Ito ang mga uri ng mapa at ang angkop na paggamit nila.
URI NG MAPA – Tukuyin ang iba’t ibang mga uri para malaman ang angkop na dapat gamitin sa bawat sitwasyon batay sa iyong pangangailangan.
Ano ang mapa? Ito ay isang patag na representasyon o paglalarawan ng isang lugar, rehiyon, bansa, o mundo. Karaniwan, ito ay ginagamit para malaman ang lokasyon, distansya, at iba pang detalye ng mga lugar tulad ng mga kalsada, bundok, ilog, at iba pang mga pisikal na katangian.
Bakit gumagamit ng mapa? Ang mapa ay kailangan para sa pagpaplano ng paglalabay at transportasyon, para pag-aralan at unawain ang teritoryo, pagkilala at pagpapahalaga sa mga likas na yaman na taglay, pag-aaral ng kasaysayan, malaman ang politikal na hangganan, at marami pang iba.
Subalit, para sa iba’t ibang mga sitwasyon, mayroon itong iba’t ibang uri na angkop batay sa iyong pangangailangan.
Mga uri:
- Mapang Pisikal – Ito ay naglalarawan ng mga anyong lupa at anyong tubig.
- Mapang Ekonomiko – Ito ay nagpapakita ng mga produkto ng iba’t ibang mga lugar.
- Mapa Ng Klima – Ito ay nagpapakita ng klima ng isang lugar.
- Mapang Pampolitika – Ito ay nagpapakita ng mga lungsod, kabisera, lalawigan, bayan, at barangay. Ito ang uri na madalas na ginagamit.
- Mapa Historikal – Ito ang nagpapakita ng mga makasaysayang lugar tulad ng mga bahay ng mga bayani, parke, at iba pa.
- Mapa Ng Transportasyon – Ang uri na nagpapakita ng mga daan, riles, paliparan, aklatan, at iba pa.
- Mapang Botanikal – Ito ay nagpapakita ng mga natatanging hayop at halaman ng isang lugar.
- Mapang Demograpiko – Ang uri na tumutukoy ng lawak na tinirhan ng mga pangkat etniko.
- Mapang Pampopulasyon – Ito ay nagpapakita ng mga bilang ng mga naninirahan sa mga lalawigan.
- Hazard Map – Ang uri na nagpapakita ng mga lugar na maaring maapektuhan ng isang kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at baha.
Sa pangkalahatan, ang mga uri na ito ay mahalagang kasangkapan sa pagpaplano, pag-aaral, at pamamahala ng mga iba’t ibang aspeto ng buhay, kalikasan, at teritoryo.