Uri Ng Pagsulat: Alamin Ang Iba’t Ibang Mga Uri

Ano ang mga uri ng pagsulat at paano ito maisasakatuparan?

URI NG PAGSULAT – Ang pagsasalin sa papel ay isang katangian na napapag-aralan at ito ang mga iba’t ibang uri nito.

Ano ang pagsulat? Ayon kay Sauco, et al (1998), ito ay pagsasalin sa papel o anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, o ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kaisipan.

Uri Ng Pagsulat

Mga kahalagahan ng pagsusulat:

  • Kahalagahang Panterapyutika
  • Kahalagahang Pansosyal
  • Kahalagahang Pang-ekonomiya
  • Kahalagahang Pangkasaysayan

Iba’t ibang uri

  • AKADEMIKO
    Ito ay itinuturing na isang isang intelektuwal na pagsusulat dahil ang layunin nito ay mapataas antas at madagdagan ang kaalaman ng mga estudyante. Ito ay pormal at obhetibo. Ilan sa mga halimbawa nito ay akademikong sanaysay, pamanahong papel, konseptong papel, tesis, disertasyon, abstrak, book report, pagsasaling-wika, aklat, rebyu, eksplikasyon, artikulo, at bibliograpiya.
  • TEKNIKAL
    Ito ay isang praktikal na pagsasalin sa papel kung saan ito ay ginagamit bilang komunikasyon sa pangangalakal at ng mga propesyunal para maghatid ng mga teknikal na impormasyon sa iab’t ibang uri ng mga mambabasa. Ilan sa mga halimbawa nito ay feasibility study at panukalang proyekto.
  • JOURNALISTIC
    Ang isang peryodiko ay sumasagot sa mga tanong na Sino, Ano, Kailan, Saan, at Bakit. Ang pagsulat nito ay tuwiran at direkta – hindi paligoy-ligoy. Ang mga salitang ginagamit ay simple pero pamingat na pinipili at tuwiran ang istilo. Ang mga saklaw ng pagsusulat na ito ay mga balita, editoryal, kolum, lathalain, at iba pa.
  • REPERENSYAL
    Ito ay naglalayon na magrekomenda ng mga sanggunian o sources tungkol sa isang paksa. Ito ay madalas na makikita sa mga textbook, pamanahong papel, at iba pa. Ito ay nagpapakita na ang mga impormasyon ay batay sa katotohanan.
  • PROPESYUNAL
    Ito ay ang pagsulat na ekslusibo sa isang tiyak na propesyon. Ilan sa mga saklaw nito ang mga police report ng mga pulis, investigative report ng mga imbestigador, legal forms, briefs, at pleadings ng mga abogado, at patients’ journal para sa mga doktor at nurses.
  • MALIKHAIN
    Ito ang masining na uri ng pagsusulat sa larangan ng literatura o panitikan. Nababatay ang pagsulat sa imahinasyon ng manunulat at layunin niyo na paganahin ang imahinasyon at pukawin ang damdamin ng mga mambabasa. Ang mga tula, nobela, maikling katha, dula, ay sanaysay ay nahahanay sa uring ito.

Leave a Comment