Mga uri ng pandiwa na ayon sa kaukulan at mga halimbawa sa pangungusap.
URI NG PANDIWA – Ang pandiwa ay isa sa mga bahagi ng pananalita sa wikang Filipino at ito ang tatlong uri nito.
Ang pandiwa ay ang mga salita na nagsasaad ng kilos at galaw. Ito ay isang bahagi ng pananalita na mahalaga dahil kung wala ang mga salitang-kilos, walang buhay o galaw ang isang pangungusap o saysay. Magiging makabuluhan ang pangungusap o isang saysay kapag may mga pahayag na nagsasaad ng kilos at mas makulay at hindi magiging mahirap ang pakikipagkomunikasyon. Matapos talakayin ang mga aspekto ng pandiwa, ito ang tatlong uri nito.
Mga uri ayon sa kaukulan:
- Payak – Ang uri na ginagamit bilang simuno sa pangungusap.
Halimbawa sa pangungusap:
- Lalaki ang magtatanim.
(Ang magtatanim ay ang simuno sa pangungusap.) - Ang magbasa ay masaya.
(Ang magbasa ay ang simuno sa pangungusap.) - Masaya ang kumain.
(Ang kumain ay ang simuno sa pangungusap.)
- Katawanin – Ito ay ang pandiwa na nagpapahayag na ganap ang kilos na ginagawa ng simuno. Ito ay walang tuwirang layon o ang tumatanggap ng kilos.
Halimbawa sa pangungusap:
- Nagbabasa ang mga estudyante.
(Ang nagbabasa ay buo na at walang direktang layong tumatanggap ng kilos.) - Nagsasalita pa ang guro sa unahan.
(Ang nagsasalita ay buo na at walang direktang layong tumatanggap ng kilos.) - Ang mga bata ay kumakanta.
(Ang kumakanta ay buo na at walang direktang layong tumatanggap ng kilos.)
- Palipat – Ito ang uri kung saan ang pandiwa ay may tuwirang layon na tumatanggap ng kilos para buo ang kaisipan na nais ipahayag. Ginagamitan ito ng mga panlaping –an, –han, i-, ipang-, at ipa-.
Halimbawa sa pangungusap:
- Sinipa ang aso.
(Ang aso ang tuwirang layon ng pandiwang sinipa.) - Kumain ang mga unggoy ng saging na galing sa amin.
(Ang mga unggoy ang tuwirang layon ng pandiwang kumain.) - Nagsasalita ng malakas ang mga kaibigan ko.
(Ang mga kaibigan ang tuwirang layon ng pandiwang nagsasalita .)