Uri Ng Pang-abay At Mga Halimbawa Sa Pangungusap

Ano ang mga iba’t ibang uri ng pang-abay at mga halimbawa ng bawat isa.

URI NG PANG-ABAY – Ang pang-abay ay mga salitang naglalarawan at ito ang mga uri nito na dapat mong pag-aralan at malaman.

Ang pang-abay ay adverb sa English at ito ang mga salita o kataga na naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. Mayroong 17 na uri ang partikular na bahagi ng pananalitang ito. Alamin at pag-aralan ang mga halimbawa.

Uri Ng Pang-abay
  • Pamaraan – kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos at sumasagot sa tanong na PAANO

Halimbawa:
Natawa ako nang malakas.
Umalis si Mary na umiiyak.

  • Pamanahon – nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos at ang tatlong uri nito ay may pananda (nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang), walang pananda (kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali), at nagsasaad ng dalas.

Halimbawa:
Ako ay magtitinda umpisa bukas. (Pananda)
Kahapon ay pumunta kame sa mall. (Walang Pananda)
Kumakain ng gulay araw-araw para maging malusog. (Nagsasaad ng Dalas)

  • Panlunan – naglalarawan kung saan naganap o magaganap o gaganapin ang kilos at sumasagot sa SAAN.

Halimbawa:
Tuwing bakasyon ay pumupunta kami sa dagat.
Makikipagkita ako sa kanya sa ilalim ng puno.

  • Pang-agam – nagpapahayag ng walang kasiguraduhang kasagutan, di-katiyakan sa kilos, o pag-aalinlangan.

Halimbawa:
Parang nagbago na ang kanyang pagmamahal.
Marahil ay nasa Maynila na siya sa mga panahong ito.

  • Ingklitik o Kataga – ang mga salita kasunod ng unang salita sa pangungusap tulad ng pa, kaya, naman, man, ay, aba, naku, rin, din, hala, hoy, aray, na, ala, sana, ha, na, ba, yata, pala, tuloy, nang, lamang, lang, muna, daw, at raw.

Halimbawa:
Hindi pa ako nagugutom.
Gayon na lamang ang aking pag-alala ng makita ko ang report ng pagsabog sa TV.

  • Benepaktibo – nagsasaad ng benepisyo sa tao pagkatapos maganap ang kilos.

Halimbawa:
Kumain ng gulay para sa iyong kalusugan.
Matulog ng maaga para sa mga mahihirap na activities bukas.

  • Kusatibo o Kawsatibo – nagsasaad ng dahilan sa pagganap ng kilos.

Halimbawa:
Nagkasakit ako dahil sa ulan.
Dahil sa aking injury, hindi kami natuloy sa bakasyon.

  • Kondisyonal – naghahayag ng kondisyon at ginagamitan ng kung, kapag o pag, at pagka.

Halimbawa:
Hindi ako matutulog kapag hindi ko ito matatapos.
Kung pwede lang sanang umalis ngayon pero hindi pwede dahil umuulan.

  • Pamitagan – mga salita na nagsasaad ng paggalang gamit ng mga katagang po, ho, opo, oho, pasintabi, maaari at mawalang-galang.

Halimbawa:
Sino po ang hinahanap nila?
Ayaw ko na pong kumain.

  • Panulad – ginagamit sa paghahalintulad ng dalawang bagay at ginagamitan ng kaysa, higit, di hamak, di gaya, labis, di gaano, at lalong–lalo.

Halimbawa:
Di hamak na mas ang bagyo ngayon kaysa sa isang taon.
Labis ang paghihinagpis ko nang mawala ang aking ina.

  • Pananggi – mga salita na nagsasaad ng pagtanggi o hindi pagsang-ayon.

Halimbawa:
Ayaw ko sa Iyo dahil mayabang ka.
Hindi ako pupunta sa party mo.

  • Panggaano o Pampanukat – nagsasaad ng bilang o dami at sumasagot sa tanong na gaano o ilan.

Halimbawa:
Uminom ka ng walong basong tubig araw-araw.
bibili ako ng anim na kilong mangga.

  • Panang-ayon – nagsasaad ng pagsang-ayon at ginagamitan ng oo, opo, tunay, sadya, talaga, at syempre.

Halimbawa:
Syempre ibibili kita ng pasalubong!
Oo, sasama ako sa Iyo bukas.

  • Panturing – nagpapahayag ng pagkilala o pagtanaw ng utang na loob.

Halimbawa:
Nang dahil sa iyo ay naging masaya ako ngayong araw.
Mabuti na lang at nadala mo agad sa ospital.

  • Pananong – ginagamit sa pagtatanong.

Halimbawa:
Saan ang daan patungo sa bahay niyo?
Kailan dadating ang iyong kasintahan?

  • Panunuran – nagpapahayag ng pagkakasunod-sunod sa panahon o pagkakalagay

Halimbawa:
Sunod-sunod ang mga bisita na dumadating.
Kahuli-hulihan si Ken sa pila ng mga bumibili.

  • Pangkaukulan – ginagamitan ng mga salitang tungkol, hinggil, o ukol.

Halimbawa:
Ang palabas ay tungkol sa buhay ni Rapunzel.
Hinggil sa aking kondisyon ang kanilang diskusyon.

Leave a Comment