Uri Ng Pang-Angkop At Wastong Gamit Sa Pangungusap

Alamin ang uri ng pang-angkop at ang kahulugan nito.

URI NG PANG-ANGKOP – Ito ay isa sa mga bahagi ng pananalita na may iba’t ibang uri at ito ang wastong paggamit nito sa pangungusap.

Sa English, ang pang-angkop ay tinatawag na ligatures. Ito ang mga nag-uugnay sa panuri tulad ng pang-uri at ng pang-abay. Sa pangkaraniwan, ito ang mga salita na nagbibigay relasyon at koneksyon sa pagitan ng dalawang salitang pinag-uugnay kung saan ang nagiging epekto ay pagiging madulas at magaan sa pagbigkas ng salita.

Uri Ng Pang-Angkop

Ang tatlong pangunahing uri ng pang-angkop:

  • Na – Ito ay ginagamit para mag-ugnay ng dalawang salita kung saan ang unang salita ay nagtatapos sa katinig (b,c,d,f,g,h….) maliban sa letrang n.

Halimbawa:

  1. Ang banal na kasulatan ay dapat na basahin.
  2. Ang malinis na kwarto ay masarap tulugan.
  3. Ang matalim na kutsilyo ay delikado.
  4. Ang sikat na mang-aawit ay namatay.
  5. Ang malalim na balon ay mahiwaga.
  6. Ang mabait na bata ay pinagpapala.
  7. Ang mahirap na buhay ay nakakayamot.
  8. Ang malinaw na tubig-dagat ay nakaka-engganyo.
  9. Maganda na kinabukasan ang gusto nating lahat.
  10. Masarap na mga pagkain ang nais kong datnan sa bahay.
  • Ng – Ito ay idinudugtong sa mga salita na nagtatapos sa mga patinig (a, e, i, o, u).

Halimbawa:

  1. Ang masaganang pagkain.
  2. Ang matabang bata ay umiiyak.
  3. Ang magandang binibini ay bumihag sa aking puso.
  4. Ang nakakahalinang mang-aawit ay nakadapuang-palad ko.
  5. Ang gwapong binata ay masungit.
  6. Ang mabahong amoy niya ay nakamamatay.
  7. Ang kantang ito iniaalay ko sa aking nobya.
  8. Siya ang binatang sikat sa TikTok.
  9. Ang mahabang kwento ay nagpatulog sa akin.
  10. Ang diwang nagliliwaliw sa kalawakan.
  • G – Ito ay idinudugtong sa mga salitang nagtatapos sa n.

Halimbawa:

  1. Ang bakurang malinis ay maaliwalas sa paningin.
  2. Ang aking damit ay akin lamang.
  3. Ang tanghaliang masarap ang nagpabusog sa lahat.
  4. Ang panahong maulan ay hindi ko gusto.
  5. Ang pamahalaang hindi korap ay ikauunlad ng bansa.
  6. Ang mga halamang ito ay akin.
  7. Dumami ang mga luntiang dahon sa aming bakuran.
  8. Ang dayuhang mabait ay umalis na.
  9. Isang-daang porsyento, hindi siya magtatagumpay.
  10. Ang salitang naganap ay naging ugat ng kaguluhan.

Leave a Comment