Alamin ang tatlong uri ng pang-uri at mga halimbawa nila.
URI NG PANG-URI – Itong partikular na bahagi ng pananalita ay may tatlong uri – panlarawan, pantangi, at pamilang.
Sa sining ng mga salita, ang pang-uri o adjective ay mahalaga at kadalasang ginagamit para pumukaw ng interes, maglarawan, at pukawin ang imahinasyon ng mga mambabasa. Maraming paraan para laruin ang mga salita, lalo na ang pang-uri o ang mga salitang naglalarawan ng pangngalan.
Mga uri
- PANG-URING PANLARAWAN – Ang mga salita na naglalarawan ng mga katangian ng isang tao o bagay tulad ng hugis, kulay, laki, ugali, at iba pa.
Mga halimbawa:
- Maingay ang mga bar.
- Ang mga rosas na natanggap ko ay kulay pula.
- Gusto ko ang damit na luntian. Ayaw kong magsuot ng itim na damit.
- PANG-URING PANTANGI – Ito ang mga salita na nasa anyong pangngalang pantangi at naglalarawan ng pangngalan.
Mga halimbawa:
- Masarap ang pasalubong ni Kenneth na longganisang Lucban.
- Nakatanggap ako ng mga pulang rosas.
- Paborito ko ang mga pagkaing Hapon.
- PANG-URING PAMILANG – Ito ang mga salitang naglalarawan ng bilang o dami ng pangngalan o panghalip.
Mga halimbawa:
- Mayroon akong isang dosenang roses.
- Ang dalawa kong kuya ay sa abroad nagta-trabaho.
- Nasa isangdaan ang mga bisita na dumalo sa aking kasal.
Ang salitang ito ay nagpupuno ng kasaganaan at kasiglahan ng wika. Sila ang mga salita na nagbibigay-buhay sa mga pangngalan at panghalip, patunay na ang sining hindi lamang sa larawan, maging sa salita rin. Mas may saysay at mas makulay ang isang sulatin kung ginagamit ang mga salitang ito pagbibigay-liwanag at pagpapaunawa sa mga mambabasa.
Ibang mga halimbawa nito o mga salitang naglalarawan na magandang gamitin sa mga pangungusap:
1. mabait
2. puno ng kaligayahan
3. sagana
4. nakaaakit
5. kahanga-hanga
6. masigla
7. misteryoso
8. napakaganda
9. masayahin
10. magkakaayos
11. Maganda
12. matalino
13. masigla
14. maliwanag
15. marangya
16. nag-aalaga
17. marangya
18. malinis
19. kakaiba
20. matibay