Uri Ng Pangatnig At Mga Halimbawa Nito

Ano ang mga uri ng pangatnig at mga halimbawa?

URI NG PANGATNIG – Alamin at pag-aralan ang iba’t ibang uri nito at magbigay ng mga halimbawa para mas maintindihan kung ano ang pangatnig.

Ang pangatnig ay conjunction sa English. Ito ang mga kataga o mga salita na nag-uugnay sa dalawang salita, parirala, sugnay, o pangungusap. Ang paggamit ng mga kataga o mga salita na ito ay nagbibigay ng kaisahan at lohikal na koneksyon sa pagitan ng mga ideya. Sila ang mga salita na nagbibigay ng mas malinaw na daloy sa komunikasyon at kalinawan sa mga tagapakinig o mambabasa para mas maunawaan nila ang mga ideya.

Uri Ng Pangatnig

Mga halimbawa:

  • at
  • o
  • habang
  • ni
  • pero
  • subalit
  • ngunit
  • datapwat
  • sapagakat
  • kundi
  • bagamat
  • sana
  • kaya
  • kapag
  • kung
  • maging
  • dahil
  • kasi
  • pati
  • maliban
  • kung saan
  • samantala
  • kung gayon
  • kung kaya

Mga uri:

  • Panimbang – ang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay at ginagamitan ng at, saka, pati, ngunit, maging, datapuwat, subalit

Halimbawa:
Nagdala siya ng pagkain para sa picnic, pati mga inumin para sa lahat.
Kinausap niya ang bata at pinatahan mula sa pag-iyak.

  • Pantulong – ito ay ang uri na nag-uugnay ng di-magkapantay na salita, pariral,a o sugnay gamit ang kung, kapag, upang, para, nang, sapagkat, dahil, sa

Halimbawa:
Matutulog lang ako kapag tapos na akong mag-aral.
Kung hindi siya ang makakatuluyan ko ay okay lang sa akin.

  • Pamukod – ginagamit sa pagbubukod o pagtatangi gamit ang o, ni, maging, man

Halimbawa:
Ano ang mas gusto mo, kape o tsaa?
Ni tumawag ni mangamusta ay hindi niya nagawa.

  • Panubali – naghahayag ng pag-aalinlangan gamit ang kung, kapag, pag, sakali, disin sana

Halimbawa:
Kung may oras ka pa bukas, maari tayong magkita.
Kapag natapos mo ang inutos ko, may premyo ka sa akin mamaya.

  • Paninsay – nagpapakita ng pagsalungat ng unang bahagi ng pangungusap sa ikalawang bahagi gamit ang mga salitang ngunit, kahit na, bagaman, sa kabila ng, pero

Halimbawa:
Bagaman mataas ang presyo ng ticket, bumili pa rin sila para makanood ng sine.
Sa kabila ng pagod, tinapos pa rin nila ang kanilang trabaho.

  • Pananhi – naghahayag ng dahilan sa likod ng isang aksyon o pangyayari at ginagamitan ng dahil sa, pagkat, kasi, sapagkat, dahil

Halimbawa:
Hindi siya nakapasok sa klase dahil sa kanyang sakit.
Nagpahinga siya sa bahay, kasi hindi maganda ang pakiramdam niya.

  • Panapos – para ipakita ang resulta o konklusyon gamit ang mga katagang kaya, sa wakas, bunga nito, dahil dito

Halimbawa:
Nagtrabaho siya ng mabuti sa kanyang proyekto, bunga nito, binigyan siya ng parangal.
Nakapag-aral ako ng mabuti kaya ako ay nakapasa.

  • Panlinaw – para magpaliwanag ng bahagi o kabuuan na ideya

Halimbawa:
Ibig sabihin, hindi siya pumunta sa party dahil may sakit siya.
Mataas ang presyo ng mga bilihin ngayon, sa madaling salita, kailangan nating magtipid.

  • Pamanggit – ang paggaya o pagsabi ng iba gamit ang daw, raw, diumano

Halimbawa:
Hindi raw siya papasok dahil masakit ang kanyang ulo.
Diumano, may mga multo na nagpapakita sa balete.

  • Panulad – ang mga tumutulad ng mga pangyayari o gawa gamit ang mga salitang kung sino-siyang, kung ano-siya rin

Halimbawa:
Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
Kung sino ang may pera ay siya rin ang makakaalis.

Leave a Comment