Uri Ng Panghalip At Mga Halimbawa

Alamin kung ano ang apat na uri ng panghalip at mga halimbawa nito.

URI NG PANGHALIP – Alamin at pag-aralan ang isa sa mga bahagi ng pananalita, ang panghalip, at ang mga uri nito.

Ang bahagi ng pananalita ay binubuo ng pangngalan, panghalip, pandiwa, pangatnig, pang-ukol, pang-angkop, pang-uri, pang-abay, pantukoy, at pandamdam. Kung ang pangngalan ay may dalawang uri, ang panghalip ay mayroon din at ito ang ating pag-aaralan ngayon. Ang panghalip ay mga salita bilang panghalili o pamalit sa mga pangngalan.

Uri Ng Panghalip

Mga uri nito at mga halimbawa

Panghalip na Panao (Personal Pronoun) – Ito ay tumutukoy sa mga salita na pamalit sa pangngalan ng tao. Mayroong panauhan tulad ng unang panauhan, ikalawang panauhan, at ikatlong panauhan at kailanan ng panghalip na panao na isahan, dalawahan, at maramihan.

Panauhan sa Panghalip na PanaoKailanan ng Panghalip na Panao
Unang Panauhan
ako, ko, kita, tayo, natin, atin, kami, namin

Ikalawang Panauhan
ikaw, ng, mo, iyo, kayo, ninyo, inyo

Ikatlong Panauhan
niya, kanya, sila, nila, kanila
Isahan
ako, ko, akin, ikaw, ka, mo, iyo, siya, niya, kanya

Dalawahan
kita, tayo, kayo, inyo, sila, nila, kanila

Maramihan
tayo, kayo, amin, atin,
  • Unang Panauhan ako, ko, kita, tayo, natin, atin, kami, namin
  • Ikalawang Panauhanikaw, ng, mo, iyo, kayo, ninyo, inyo
  • Ikatlong Panauhanniya, kanya, sila, nila, kanila

Mga halimbawa:

  1. Para sa atin naman itong ginagawa natin.
  2. Hindi ka nag-iisa sa laban na ito.
  3. Kami na ang bahala sa bahay habang wala kayo.

Panghalip na Pananong (Interrogative Pronoun) – Ito ang mga salita na halili sa pangngalan sa patanong na paraan. Ito ay maaring isahan (ano, alin, kanino, sino, magkano, kailan, saan) o maramihan (anu-ano, alin-alin, ilan-ilan, kani-kanino, sinu-sino, magka-magkano, kai-kailan, saan-saan).

Mga halimbawa:

  1. Saan kaya pumunta ang kanyang nanay?
  2. Magkano kaya ang kanyang sasakyan?
  3. Sinu-sino sa inyo ang may mataas na marka?

Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun) – Ito ang panghalip na hindi tiyak o walang katiyakan. Ito ay may sinasaklaw na dami o pangkalahatan. Ilan sa mga ito ay bawat isa, sinuman, alinman, saanman, anuman, ilan, at lahat.

Mga halimbawa:

  1. Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang.
  2. Lahat ng estudyante ay may dalang prutas.
  3. Bawat isa sa kanila ay mayroong sekretong tinatago.

Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun) – Ito ay ginagamit bilang panghalili sa ngalan ng tao, bagay at iba pa na tinuturo. Ang apat na uri nito ay pronominal, pahimaton, patulad at panlunan.

Mga halimbawa:

  1. Dito ninyo pwede kunin ang inyong marka.
  2. Diyan ko nakita ang bata kanina.
  3. Doon nalang tayo umupo para walang tao.

Panghalip na Pamanggit – Ito ang mga salita na nag-uugnay ng dalawang pananalita o kaisipan. Ilan sa mga ito ay umano o diumano, ani, daw, at raw.

Mga halimbawa:

  1. Diumano’y nakuha na nila ang kanilang bonus.
  2. Hindi na raw siya matutulog.
  3. Sabi daw ni Maria ay siya na ang susundo sa iyo.

Panghalip na Paari (Possessive Pronoun) – Ito ay mga salitang tumutukoy sa nagmamay-ari ng bagay. Ito ay may dalawang uri: isahan (iyo, akin, kanya) at maramihan (amin, atin, inyo, kanila).

Mga halimbawa:

  1. Sa kanya ako kukuha ng pera.
  2. Sa amin ka na managhalian.
  3. Nasa inyo ang aming aso?

Panghalip na Patulad – Ito ay naghahambing, nagkukumpara, at nagtutukoy ng mga salita, gawain, bagay, o kaisipan. Ilan sa mga ito ay ganoon, ganito, at ganyan.

Mga halimbawa:

  1. Ganito dapat ang gawin para lumambot ang karne.
  2. Ganyan din ang aking ginawa para lumabas ang ahas.
  3. Ganoon na lamang ang aking pagkalungkot nang mawala siya.

Leave a Comment