Ano ang iba’t ibang uri ng pangngalan? Alamin at pag-aralan!
URI NG PANGNGALAN – Isa sa mga bahagi ng pananalita ay ang pangngalan at ito ang dalawang uri nito at mga halimbawa.
Pangngalan, panghalip, pandiwa, pangatnig, pang-ukol, pang-angkop, pang-uri, pang-abay, pantukoy, at pandamdam ay ang iba’t ibang bahagi ng pananalita. Ito ay isang matibay na istruktura na hindi mababago. Para sa unang topiko, ating mas unawain pa ang tungkol sa pangngalan o noun at ang mga uri nito.
URI NG PANGNGALAN
Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, pook, o pangyayari. Sa ating araw-araw na pamumuhay, ang mga salitang ito ay kadalasang nagagamit at ang iba’t ibang uri nito ay ginagamit upang maglarawan ng mga karanasan, mga ibang bagay, ng isang tao, o isang lugar.
Ang dalawang uri ay pangngalang pantangi at pangngalang pambalana.
PANGNGALANG PANTANGI
Ito ang mga salita na tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, at iba pa. Ito ay nagsisimula sa malaking letra. Sa Ingles, ito ang tinatawag na proper noun. Ilan sa mga halimbawa nito ay Jansport, Adidas, Safeguard, Palmolive, Bulkang Mayon at marami pang iba.
PANGNGALANG PAMBALANA
Ito ang mga salita na tumutukoy sa pangkaraniwang ngala ng tao, hayop, bagay, pook, at iba pa. Sa Ingles, ito ang tinawag common noun at ito ay nagsisimula sa maliit na letra. Ilang halimbawa nito ay babae, aklat, lalaki, matanda, at iba pa.
Iba pang mga halimbawa
PAMBALANA | PANTANGI |
bulkan | Taal Mayon Pinatubo Kanlaon Banahaw Arayat Apo |
probinsya | Negros Occidental Siquijor Batanes Guimaras Leyte Quezon Cebu Batangas |
dagat | Pasipiko Atlantiko West Philippine Sea Caribbean Sea Black Sea Red Sea Persian Gulf |
puno | Narra Mahogany Balete Molave Madre Cacao Santol Mangga |
tao | Bb. Reyes Mang Gibo Lola Basyang Mayor Vico Sotto President Bongbong Marcos Senator Risa Hontiveros |
bayani | Jose Rizal Heneral Antonio Luna Apolinario Mabini Emilio Jacinto Francisco Balagtas Baltazar Gregorio del Pilar Josefa Llanes Escoda |
inumin | Emperador Chuckie Tanduay Yakult C2 Nestea |
kainan | Jollibee McDo Chowking Greenwich KFC Burger King |
aklat | Harry Potter Series (ni J.K. Rowling) The Da Vinci Code (ni Dan Brown) Angels & Demons (ni Dan Brown) Eleven Minutes (Paulo Coelho) It Ends With Us (ni Colleen Hoover) |