Uri Ng Pangungusap At Mga Halimbawa Nito

Ano ang iba’t ibang mga uri ng pangungusap? Alamin at pag-aralan.

URI NG PANGUNGUSAP – May iba’t iba’t uri ng ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-komunikasyon at ito ang mga halimbawa nito.

Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na buo ang diwa at binubuo ng simuno at panaguri. Ang mga iba’t ibang uri ng pangungusap ay tumutulong sa atin para matukoy ang layunin nga pakikipagkomunikasyon at para maipahiwatig ito ng malinaw. Bukod sa pagpapahayag ng layunin, nagpapadali rin ang mga ito ng komunikasyon, nagpapakita ng tono at emosyon, at nagbibigay istruktura sa wika. Ang mga ito ay mahalaga para sa epektibong pagpapahayag, pagpapalitan ng ideya, at pag-unawa sa ating mga mensahe.

Uri Ng Pangungusap

Mga uri:

  • Pasalaysay – Ito ay tinatawag ding paturol at ito ang uri na nagsasalaysay at nagtatapos sa isang tuldok. Ito ay palaging nagtatapos sa isang tuldok.

Halimbawa:

  1. Si Jun ay isa nang matagumpay na inhinyero.
  2. Ang mundo ay bilog.
  3. Hindi ko nalimutan ang sinabi ng doktor.
  • Patanong – Ito ang uri na nagtatanong o nag-uusisa tungkol sa isang katotohanan o pangyayari. Ang pangungusap na ito ay palaging nagtatapos sa tandang pananong.

Halimbawa:

  1. Ano ang lokasyon ng Pilipinas?
  2. Bakit maraming mga korap na pulitiko?
  3. Kailan ang susunod na eleksyon?
  • Padamdam – Ito ay nagsasabi ng matinding mga emosyon tulad ng tuwa, lungkot, pagkagulat, paghanga, panghihinayang, at marami pang iba. Karaniwan, ito ay nagtatapos sa tandang panamdam pero maari ring gamitin ang tandang pananong depende sa layunin ng iyong pangungusap.

Halimbawa:

  1. Naku! Nahulog na naman ang bata sa kanal.
  2. Wow! Ang ganda ng singsing mo!
  3. Ang galing-galing mo! Siguradong proud sayo ang mga magulang mo.
  • Pautos o Pakiusap – Ito ay naghahayag ng pakiusap sa magalang na paraan. Ito ay may kasamang salitang paki o kung maari. Ito ay nagtatapos sa tuldok.

Halimbawa:

  1. Maari bang mag-aral ka ng mabuti?
  2. Pakikuha ng aking tubig sa kwarto.
  3. Kunin mo ang aking damit sa loob ng aking kwarto.

    Leave a Comment