Ang dalawang uri ng panitikan at mga halimbawa.
URI NG PANITIKAN – Ang panitikan ay may dalawang pangkalahatang uri na parehong naghahayag ng damdamin, kaisipan, karanasan, at hangarin.
Ang panitikan ay isang sining na gumagamit ng wika para maghayag ng mga saloobin, kaisipan, damdamin, at karanasan. At ang bawat uri ng panitikan ay may kanya-kanyang layunin, anyo, at estilo ng pagpapahayag ng mensahe at mga aral na nais iparating ng manunulat sa mga mambabasa.
Ang dalawang uri
Akdang Prosa | Akdang Patula |
Ang daloy nito ay natural at tuloy-tuloy na walang sinusunod na bilang ng bigkas at tugmaan sa dulo ng mga salita. Mayroong kalayaan ang manunulat kung paano niya ilalatag ang pagkakasunod-sunod ng mga detalye. | Ito ang uri na masining ang pagpapahayag at pagsulat. May sukat ang mga pahayag at may bilang ang mga salita at taludtod. Malikhain ang pagkakagawa para maghatid ng mensahe sa mga mambabasa. |
Mga Akdang Prosa
- Maikling Kwento – Isang maikling akda na matatapos basahin sa isang upuan lamang. Ito ay may iisang banghay lamang at kaunti ang mga tauhan.
- Nobela – Ito ay isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata. Ito ay maaring piksyon o di-piksyon.
- Dula – Ito ang anyo na isinusulat para itanghal o isadula sa entablado. Ito ay nahahati sa yugto at marami ang tagpo.
- Alamat – Ang mga kwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay.
- Pabula – Ito ay mga kwento kung saan ang mga tauhan ay mga hayop ang mga gumaganap.
- Anekdota – Isang akda na naglalaman ng istorya at mga nakakawiling mga pangyayari sa buhay ng isang tao.
- Balita – Mga kaganapan sa paligid at lipunan.
- Talambuhay – Isang sulatin tungkol sa buhay ng isang tao.
- Sanaysay – Nagpapahayag ng opinyon tungkol sa isang paksa.
- Mito – Ito ang mga kwento tungkol sa sansinukuban, paniniwala sa mga diyos at diyosa, at mga mahiwagang likha.
- Parabula – Mga kwento na may aral at kalimitan ay mula sa Bibliya. Ito ay walang mga tauhang hayop, halaman, bagay, at pwersa mula sa kalikasan.
- Talumpati – Ito ang pagpapahayag sa harapan ng mga tagapakinig na ang layunin ay humikayat, magbigay ng impormasyon, mangatwiran, magpaliwanag, at magbigay ng opinyon.
Mga Akdang Patula
- Tulang Pasalaysay – Ito ay naghahayag ng mga importanteng pangyayari sa buhay ng isang tao na maaring totoo o kathang-isip lamang.
- Epiko – Mga kwento tungkol sa kabayanihan at ugnayan ng tao at mga diyos.
- Balad – Isang tulang pasalaysay na karaniwang inaawit.
- Tulang Liriko – Ang tula na ginawa para awitin.
- Awiting Bayan – Ang tema ay umiikot sa pagmamahal, desperasyon, kalungkutan, kasiyahan, at pag-asa.
- Soneto – Ito ay tula na may labing-apat na taludtod.
- Elehiya – Mga tula ng iniaalay sa mga yumao.
- Oda – Ang mga tula na nagpaparangal sa mga dakilang gawain ng isang tao.
- Awit at Korido – Ito ay nasa anyong patula na binabasa ng paawit.
- Tulang Pandulaan – Ang mga tula na binuo para itanghal.
- Komedya – Isang dulaan na ang layunin ay magpatawa sa pamamagitan ng pagsabi ng mga salita at linya.
- Melodrama – Ito ang isang dula na nakakaapekto ng emosyon ng mga manonood at nagpapakita ng kasamaan at kabutihan ng mga karakter.
- Trahedya – Ito ay isa sa mga pinakamtandang dula na ang tinatalakay ay tungkol sa pagkasira ng isang tao, pagkabagsak, pagtataksil, at pagkamatay.
- Parsa – Isang kategorya ng komedya na ang ginagamit ng mga nakakatawang sitwasyon.