Buod Ng Kwentong “Naging Sultan Si Pilandok”
NAGING SULTAN SI PILANDOK – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang buod ng kuwentong “Naging Sultan Si Pilandok” at ang mga aral na makukuha rito.
Si Pilandok ay nahatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng pagkulong sa bakal na hawla at pagtapon nito sa dagat. Ngunit, siya umano ay hinatulan para sa isang kasalanan na hindi niya nagawa.
Pero, isang araw, laking gulat ng sulat nila dahil nakita nito si Pilandok na buhay. Ang Sultang ito ay magara at maraming gintong nakasukbit sa tabak nito.
Nang sila’y magkita, ipinaliwanag ni Pilandok kung paano siya nabuhay. Ayon kay pilandok, noong siya’y tinapon sa dagat, nakita niya umano ang mga ninuno sa ilalim ng dagat ay siya’y binigyan raw ng napakalaking kayamanan.
Naging interesado ang sultan sa sinabi ni Pilandok. Dahil sa kanyang kasakiman, gumawa siya ng kontrata kay Pilandok. Napagkasunduan nila ng sultan na si Pilandok raw muna ang mamumuno habang ito’y pupunta sa ilalim ng dagat.
Ngunit, sabi ni Pilandok, dapat raw nakakulong sa bakal na hawla ang tao bago itapon sa dagat para ang kahiran ng mga ninuno ay makikita. Pagdating nila sa gitna ng dagat ay inihagis ni Pilandok sa gitna nang dagat ang Sultan na nasa loob ng hawla.
Kaagad na lumubog ang hawla at namatay ang Sultan. Simula sa araw na iyon, naging sultan na si Pilandok.
Ang aral na makukuha natin sa kwento ay dapat ika’y hindi susuko lalo na kung alam mo na nasa tama ka, at huwag ka dapat magpapadala sa kasakiman.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Ano Ang Kalikasan Ng Tao? – Halimbawa At Paliwanag
Hindi dapat mainggit sa iba, dapat ay matuto makuntento kung anong mayroon ka
Dapat hindi tayo mawalan nang pag-asa at huwag susuko kung alam nating nasa tama tayo…At huwag magpadala sa iinggit at huwag maging sakim, sa ano mang mga bagay.