Pagkasunod-sunod Ng Pangyayari Sa “Ang Ama”
ANG AMA – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwentong “Ang Ama”.
Sa simula, ang mga bata sa kwento ay laging natatakot kapag pa-uwi na ang kanilang ama. Ito ay dahil kapag umuwing lasing, takot sila na makatikim ng pananakit.
Kahit na sabik at gutom na ang mga bata, kadalasan ang dalang pagkain ng kanilang ama ay para lamang sa kanya. Tapos, kung ano ang natira ay pinag-aagawan ng mga bata. Dahil dito, kadalasang walang natitirang pagkain para sa pinaka maliit.
Ito’y dahil inaagaw lahat nila ang natitirang pagkain ng kanilang ama. Kung hindi nakialam ang kanilang ama, hindi makakatikim ang mga maliliit na bata.
Madaling ma-aalala ng mga bata kung kailang nagkaroon ng magandang okasyon ang kanilang pamilya. Ito’y dahil halos dalawang beses lamang nangyari. Umuwi ang kanilang ama na may sopresang supot ng pansit na sinaluhan ng buong pamilya. Marami nga ang dalang pancit at nahirapan pa silang ubusin ito.
Pero, pagkatapos nun, kalimitang umuuwi ang kanilang tatay na lasing at nambubugbog sa kanilang ina. Ngunit, umaasa pa rin ang mga bata na sa pag-uwi nito ay may dala na siyang pagkain. Kapag umuwi ang ama na padabog-dabog at nagsisigaw, takot na agad ang mga bata na makagawa ng kahit anong ikakagalit ng kanilang tatay.
Lumala pa ang sitwasyong ng pamilya dahil isang araw, umuwi ang kanilang ama nang mas gabi at higit pang lasing. Dahil dito, inilayo nila ang nakababatang kapatid na si Mui Mui. Ang walong taong gulang nilang kapatid ay isang batang sakitin at madalas na humalinghing na inihintulad nila sa isang kuting na madalas na kinaiinisan ng kanilang ama.
Kapag nairita ang kanilang ama sa kanya, hinahampas ito ng buong lakas at haharapin din ang kanilang ibang kapatid upang saktan. Subalit, isang gabi, umuwi ang ama na galit at masama ang luob dahil pina-alis siya sa trabaho.
Pero, ang kapatid nilang si Mui Mui ay nasa gitna ng isang mahabang halinghing. Kahit na siya’y binalaan ng mga kapit nila, hindi pa rin ito tumigil sa pag-iyak. Dahil doon, sinuntok ito ng kanilang ama sa mukha. Tumalsik ang kawawang bata sa kabila ng silid at hindi na gumagalaw.
Sinubukan itong pagalingin ng kanilang ina pero pagkatapos ng dalawang araw ay namatay rin sin Mui Mui. Tanging ang ina lamang ang umiyak habang inihahandang ilibing ang bangkay.
Sa libing ni Mui Mui, nakita ang ama na puno ng awa sa sarili at nagsimula ng lumuha. Ang balitang ito ay nakarating sa dating niyang amo. Dahil dito, muli siyang ibinalik sa trabaho para sa kapakanan ng pamilya.Binigyan rin ng kanyang amo ang ama ng pera bilang ayuda.
Pagkatapos nito, sinabi ng ama sa kanyang sarili na hindi na siya gagastos pa sa alak at taga umuwi siya ay may dala ng pagkain para sa kanyang mga anak.
Nagtungo ang ama sa libingan ng kanyang nak na si Mui Mui. Lumuhod ito inilabas ang mga dala,at dahang dahang inilagay ito sa puntod. Mula noon, patuloy nang naki-usap ang ama sa anak at nagsisisi sa kanyang ginawa.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Katangian Ng Bugtong – Mga Halimbawa Katangian Ng Bugtong