PANITIKAN: Mga Halimbawa Ng Mga Uring Patula At Tuluyan O Prosa

0
90

Ito ang mga halimbawa ng Patula at Tuluyan o Prosa sa larangan ng Panitikan

Alamin ang mga halimbawa ng mga uri ng Panitikan, ang Patula at Tuluyan o Prosa.

panitikan

PATULA

Awit at Korido – Mayroon itong tono at sukat. Naglalaman ang isang awiting ng bahaging pang tinig na ginagampanan, inaawit at pangkalahatang tinatanghal ang mga salita (liriko), karaniwang sinusundan ng mga intrumentong pang musika (maliban sa mga awiting acapella at scat). Kadalasang nasa anyong tula at tumutugma ang mga salita ng mga awitin, bagaman, may mga relihiyosong mga taludtod o malayang prosa. Ang mga salita ay ang liriko.

Ang korido ay isang uri ng panitikang Pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang stanza. Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula.

Epiko– Ito tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari.

Balad – Ang balad ay isang uri o tema ng isang tugtugin.

Sawikain – Ang sawikain ay maaaring tumukoy sa:

1. idioma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.

2. moto, parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao.

3. salawikain, mga kasabihan o kawikaan. Ang mga salawikain, kawikaan kasabihan, wikain, o sawikain ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan.

Bugtong – Ang bugtong, pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong). May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga (o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong), mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.

Kantahin – (katulad din ng awit) mga awitin na matatagpuan sa iba’t ibang panig ng lugar sa bansa.

Tanaga– Ito ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan.May estrukturang itong apat (4) na taludtod at pitong (7) pantig kada taludtod.

TULUYAN O PROSA

Alamat – nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan. 

Anekdota – tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.

Nobela – ito ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing uri ng panitikan.

Pabula – isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan.

Parabula – Ang parabula ay gumagamit ng pagtutulad at metapora upang bigyan ng diin ang kahulugan. Ito ay madalas na hango sa Banal na Kasulatan.

Maikling kwento – isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan.

Dula – ito ay uri ng panitikan na itinatanghal sa mga teatro. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.

Sanaysay–  isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.

Talambuhay–  ito ay nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.

Talumpati – ito ay buhos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado na may layunin na humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

Balita – mga mahahalagang nangyayari sa loob at labas ng ating bansa. Samantalang ang editoryal ay ang pagbibigay ng saring kuro-kuro o opinyon tungkol sa mga usapin sa lipunan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.