5+ Halimbawa Ng Mga Liham Paumanhin
LIHAM PAUMANHIN – Heto ang mga halimbawa ng “Liham Paumanhin”. May mga beses na hindi tayo makakarating sa klase dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Kaya naman, gumagawa tayo ng “Liham Paumanhin”. Heto ang mga halimbawa:
Enero 27, 2020
Malate, Manila
Minamahal kong Bb. Dela Cruz,
Magandang araw po sa inyo, ako po si Peter, magulang ni Eva na nasa ika 5 baitiang, sekyson 1. Ikinalulungkot ko pong sabihin na ang aking anak ay hindi makakarating sa inyong klase ngayong Enero 27 hanggang Enero 29 sapagkat siya po ay nagkasakit at kailangang magpahinga.
Nais ko pong ibigay ang aming paumanhin at sisikapin naming makabawi sa mga pagsasanay o takdang-aralin na hindi nakuha ni Eva. Maraming salamat sa pagintindi.
Lubos na gumagalang,
Peter Dimanalata
Heto pa ang ibang halimbawa. Kadalasan ang mga Liham Paumanhin ay madali lamang isulat. Kailangan nyo lang gamiting ang format na ito. Halimbawa:
(ilagay ang petsa)
(ilagay ang adres ng paaralan)
Mahal kong/ Minamahal na (pangalan ng guro),
Magandang araw! Ako po si (Pangalan ng magulang), magulang ni (Pangalan ng estudyante), kabilang sa (sekyson at grado ng bata). Nais ko pong ipaalam na hindi makakapasok ang anak ko dahil sa (ilagay ang dahilan kung bakit hindi paka pasok ang bata).
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng rason para sa Liham Paumanhin:
- Pag-uwi sa probinsya dahil may kinakailangang asikasuhin para sa pamilya.
- May namatay na kamag-anak/kakilala.
- Nagkasakit ang estudyante at malubha ang karamdaman
- Nagkaroon ng kapansanan ang estudyante at kailangang magpahinga.
- May karamdaman ang bata at inabisuhan ng doktor na magpahinga muna ng ilang araw habang kumukuha ng medisina.
- Nagkaroon ng isyung personal ang pamilya na hindi maaaring maibahagi.
Salamat sa pagbasa! BASAHIN RIN: Aginaldo Ng Mga Mago – Buod At Mga Tauhan Ng Kwento