Ano Ang Gamit Ng Wika Sa Lipunan? (Sagot)
WIKA SA LIPUNAN – Ang wika sa lipunan ay may iba’t-ibang gamit at kahalagahan. Sa paksang ito, tatalakayin natin ang mga ito.
Sa isang lipunan ang wikang ginagamit natin ay maari ma iba sa iba pang mga komyunidad. Ito ay dahil sa pagiging arikipelago ng Pilipinas. Watak-watak ang mga isla ng bansa, kaya naman may iba’t-ibang dayalogo tayong maririnig.
Isa sa rin sa mga gamit nito ay ang Instrumental. Dito, ang wika ay ginagamit upang makuha ng tagapagsalita ang kanyang materyal na mga pangangailangan. Halimbawa:
- Pagtukoy sa nais bilhin na selpon sa isang mall
- Pag-order ng pagkain sa isang restawran
Sunod na gamit ng wika ay ang Regulatori. Ang wika ay ginagamit upang kumontrol ng kilos, asal, o paniniwala ng iba. Bukod rito, ginagamit rin ito sa pagimpluwensya ng tagapagsalita sa kanyang kausap. Halimbawa:
- Pag-uutos ng nanay sa kanyang anak.
- Pag-sasalita sa isang dibate.
Pagkatapos, ginagamit rin ang wika sa Interaksiyonal. Sa ating lipunan, may iba’t-ibang klaseng mga tao tayong makikita. Kaya naman, kailangan natin makikipagkapwa o interpersonal sa Ingles.
Bukod sa Interaksiyonal na pakikipagkapwa ang sentro, mayroon ring Personal. Ginagamit ito upang maipahayag ang sariling saloobin sa lipunang kinabibilangan. Halimbawa:
- Pagpapahayag ng opinyon sa isang pulong.
- Pagiging bukas sa mga problema sa sarili.
Ayon sa kay Erine Contrano, ang isa pang gamit ng Wika sa lipunan ay ang Heuristic. Ito ang instrumentong ginagamit upang maragdagan ang kaalaman ng isang tao. Ang pinaka madaling halimbawa nito ay ang pagtanong ng isang estudyante sa kanyang guro ukol sa paksang hindi niya maintindihan.
Sunod naman ang Imahinatibo. Ginagamit dito ang wika upang lumikha ng mga kwento, tula, bugtong, at iba pang malikhain akda. At pang huli, meron tayong tinatawag na Impormatibo na kung saan ginagamit ang wika para magbahagi ng kaalaman. Ang halimbawa nito ay ang pag-uulat ng balita.
BASAHIN RIN: Minsang Naligaw Si Adrian: Mga Aral Sa Maikling Kwento