Halimbawa Ng Sanaysay Tungkol Sa COVID-19
SANAYSAY TUNGKOL SA COVID-19 – Sa panahong ito, milyun-milyong Pilipino ang naapektuhan ng pandemyag COVID-19.
Sa paksang ito, magbibigay kami ng maikling sanaysay tungkol sa pandemya at sa mga katotohanang ipinakita nito sa ating mga kababayan.
Pandemya, Ang Masakit na Katotohanan
Pagdating ng balita tungkol sa COVID-19, hindi natin sineryoso. Pinapasok ang mga dayuhan kahit na ito’y delikado. Pinagtawanan natin ginawa lamang na balita, sinabihang kumain tayo ng saging at palakasin lamang ang resistensiya.
Ngunit hindi ito naging sapat at padami lamang ng padami ang mga kaso nito sa Pilipinas. Subalit, sinasabihan pa rin ang publiko na kontrolado ang sitwasyon at walang kailangang ikatakot.
Iyon naman ay maiitindihan, ayaw natin ng kaguluhan. Magdudulot lamang ito ng karagdagang problema sa ating lipunan. Pero sana naman ay binigyang pansin ang tawag ng mga experto tungkol sa sakit.
Ang katotohanan ay hindi tayo handa. Ang katotohanan ay hindi sapat ang ating ginawa para mapigilan ang pagdaragsa ng sakit buong Pilipinas na ang nakakaranas. Masakit mang isipin pero sa kasalukuyang panahon wala nang makakatakas.
Eto ang katotohanan na dapat nating intindihin. Dapat nating pag-aralan at dapat nating seryosohin. Mga doktor, nurse, at mga tauhang medical, araw araw ang sakripisyo para lamang sa atin.
Pero ang masakit na katotohanan ay ang karamihan sa kanila ay napabayaan. Marami na ang namatay, pero hanggang ngayun, hustisya pa rin ay ipinaglalaban.
Masakit nga ang katotohanan, pero paano tayo makakatulong? Iyon dapat ang tanong natin sa ating sarili. Hindi bakuna ang dapat hanapin kundi tamang sistema. Dahil pag may tamang sistema susunod na ng mabilisan ang disiplina.
Masakit man ang katotohanan pero mahirap nang ibalik ang dati nating buhay. Subalit kailangan nating magkaisa para malabanan ang pandemya.
BASAHIN RIN: Wika Sa Lipunan – Mga Gamit At Kahalagahan Ng Wika Sa Komunidad