Bakit Mahalaga Ang Pang Ugnay? (Sagot)
PANG UGNAY – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba mahalaga ang pang ugnay sa mga pangungusap at ang mga halimbawa nito.
Ang mga pang ugnay na salita ay tinatawag na “transition words sa Ingles”. Ito ang mga salitang nagsisilbing gabay mula sa isang ideya papunta sa isang bagong ideya. Kung wala ito, hindi ganun ka ganda basahin ang pagkakasunod ng mga pangungusap.
Bukod rito, ang mga pang ugnay na salita rin ang nagsisilbing tulay para mas maunawaan ang sanhi at bunga ng mga pangyayari. Halimbawa: “Si Peter ay nag-aral buong gabi. Dahil dito, naka kuha siya ng mataas na marka sa pagsusulit”.
Ito rin ay maaring gamiting kapag naghahambing ng dalawang ideya. Halimbawa: “Hindi ko gusto na gumastos ng aking pera. Subalit, kailangan kong magbayad para sa aking mga utang.”
Kahit na mismo para sa isang mambabasa, mas may “fluidity” o makinis na pag salin mula sa isang ideya pa punta sa isa kapag gumagamit ng pang-ugnay.
Heto ang mga halimbawa ng mga pang ugnay ayon sa Brainly:
- Pagdaragdag – at, ulit, pagkatapos, bukod, ano pa
- Paghahambing – pero, sa kabilang banda, subalit, gayon man
- Pagpapatunay – dahil sa, para sa, tunay na, sa katunayan, kung saan
- Pagpapakita ng oras – Kaagad, pagkataposm sa lalong madaling panahon, sa wakas, noon
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Katangian Ng Bugtong – Mga Halimbawa Katangian Ng Bugtong