Bakit Mahalaga Ang Pamilya Sa Lipunan? (Sagot)
KAHALAGAHAN NG PAMILYA – Isa sa pinakamahalagang parte ng isang lipunan ay ang pamilya. Heto ang mga dahilan kung bakit.
Ang ating mga pamilya ang nagsisilbing unang guro sa atin. Dito rin nagsisimula ang ating pakikipag-ugnay sa ibang tao. Bukod rito, sa pamilya rin napag-aaralan kung paano mag bigay respeto sa kapwa at ang pagiging responsable.
Ang unang gawain ng isang pamilya ay ang pag sigurado na mananatili ang isang lipunan. Kung ating iisipin, walang lipunan kung wala ang mga pamilya. Kaya naman, dito palamang makikita na ang kahalagahan ng isang pamilya.
Pero, dapat nating tandaan na sa paglipas ng panahon at sa paglaganap ng teknolohiya, ang papel ng pamilya sa lipunan ay nag-iiba rin. Subalit, kahit umiba na ang papel ng pamilya, ang kanyang kahalagahan sa lipunan ay nanatili pa rin.
Ang isang pamilyang masaya at malusog sa pisikal, spiritwal, at emosyonal na mga aspeto ay maraming benepisyong nabibigay sa ating lipunan. Isa lamang ito sa mga kahalagahan niya. Mas nakikipag halubilo ang mga tao sa lipunan kapag masayahin ang kanilang pamilya.
Bukod rito, tinuturuan rin nila ang kanilang mga bata na tumulong sa kanilang komyunidad sa batang edad pa lamang. At, kapag ang mga pamilya sa isang lipunan ay sumusuporta sa isa’t-isa, nagbibigay ito ng oportunidad para sa mas mabuting edukasyon, kalusugan, ang iba pang pangangailangan ng mga bata sa lipunan.
Dahil diyan, ang lebel ng krimen sa isang lipunan ay bumababa rin. Hindi mahihinto ng pamilya ang krimen, subalit, pwede nila itong mapigilang maglaganap sa pamamagitan ng pagturo ng tama sa kanilang mga kabataan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Bakit Mahalaga Ang Pang Ugnay Sa Mga Pangungusap