Ano Ang Mga Aral Sa Epikong Bantugan? (Sagot)
ARAL SA EPIKONG BANTUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga aral na makukuha natin sa kuwentong “Bantugan”.
Ang Bantugan ay isang epiko na kung saan sinusunod natin ang paglalakbay ng prinsipeng si “Bantugan”. Siya ay makisig at matapang kaya naman may dating siya sa mga babae sa kanyang kaharian.
Dahil dito, nag selos ang kanyang kapatid nasi haring Madali at ipinagbawal niya ang paglapit at pakikiusap sa prinsipe. Bukod rito, kung may taong makikita na lumabag sa kanyang kautusan, sila ay paparusahang maharas.
Kaya naman, napag-isipan na lamang ng prinsipe na lumayas sa kanilang lugar. Pero, sa kanyang paglalakbay, nasalubong siya ng trahedya. Isang araw, may bangkay na ipinasok sa kahiran ni Madali. Nalungkot ang hari dahil sa pangyayari at nagsisi sa kanyang ginawa.
Dahil dito, pumunta kaagad ang hari sa langit para bawiin ang kaluluha ng kanyang kapatid. Muling na buhay ang Prinsipe pero sinugod naman sila ng kabilang kaharian dahil hindi nila alam na buhay na pala si Bantugan.
Pero, hindi pa bumabalik ang dating lakas ng prinsipe kaya naman siya ay na huli. Ngunit, ng manumbalik na ang kanyang lakas, natalo nito ang mga kalaban. Mula noon, hindi na nainggit ang kanyang kapatid at nirespeto na niya ito ng lubusan.
Ang aral na makukuha sa epikong Bantugan ay huwag mag selos sa iyong kapuwa dahil ang ito ay nagdadala ng hindi magandang pangyayari sa kapuwa mo at sa iyong sarili. Bukod rito, ipinakita rin ng kwento na ang mga pagkakamali ay maari pang baguhin kung ika’y handang gawin ang lahat para ma-isaayos ito.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Epekto Ng Sugal Sa Sarili – Halimbawa At Paliwanag