Ano Ang Kaibahan Ng Tema At Paksa? (Sagot)
KAIBAHAN NG TEMA AT PAKSA – Kung ating pagbibigyan pansin, ang tema at paksa ay halos magkapareho ng depinisyon. Subalit, mayroong konting detalye na nagpapakita ng kaibahan nilang dalawa.
Una sa lahat, ang tema ang umiikot na ideya na makikita sa kabuoan ng buong kwento. Sa Ingles, ito ay tinatawag na “theme”. Bukod rito, ang tema rin ang nagbibigay ng aral sa mga mambabasa.
Samantala, ang paksa naman o “subject” sa Ingles ay sumasagot sa tanong na “tungkol sa ano ang kwento”. Heto ang isang halimbawa:
Sa kwentong “Jurassic Park”, ang paksa ay ang mga “dinosaurs”. Ngunit, ang tema naman ay “huwag pag-tripan ang inang Kalikasan”. Isa rin sa mga tema nito na maaaring maipalawak ay ang kasakiman ng mga tao na nag dulot sa mga masasamang experimento.
Ngunit, ang paksa pa rin ng Jurassic Park ay tungkol sa grupo ng mga taong naglalayong mabuhay sa lugar na puno ng mga gutom na “dinosaurs”.
Isa pang halimbawa na alam ng halos lahat na Pinoy ay ang mga kwento ni Rizal na Noli at El Fili. Ang tema ng Noli at El Fila ay ang pag-alsa para sa kanilang kalayaan at mga karapatan. Samantala, ang paksa naman ay tungkol kay Crisostomo Ibarra at ang mga pangyayaring tumulak sa kanya para maghiganti sa mga masamang prayle.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Elemento Ng Pabula – Kahulugan At Halimbawa Nito