Ano Ang Kawikaan? (Sagot At Kahulugan Nito)
KAWIKAAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano ano nga ba ang tinatawag na kawikaan at mga halimbawa nito.
Sa Ingles, ang Kawikaan ay tinatawag na “proverbs”. Ito ay grupo ng mga salita na naglalayong magbigay gabay sa mga tao na maari nilang gamitin sa kanilang buhay.
Bukod rito, ang mga kawikaan ay makikita rin sa Bibliya. Narito ang mga halimbawa ng kawikaan at ang paliwanag nito:
“Siyang lumalakad na kasama ng marunong ay magiging marunong, ngunit siyang nakikipag-ugnayan sa mga hangal ay mapapariwara.” – Kawikaan 13:20
KAHULUGAN: Maging mapili sa mga taong sinasamahan mo dahil malaki ang magiging papel nila sa katayuan ng iyong buhay sa kinabukasan.
“Ang tunay na kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon, at isang kapatid na ipinanganganak kapag may kabagabagan” – Kawikaan 17:17
KAHULUGAN: Ang kawikaang ito ay nagsasabi na ang isang tunay na kaibigan ay kasama mo kahit ano man ang hirap at mga pagsubok na nararanasan mo sa buhay.
“Ang pasimula ng pagtatalo ay gaya ng isang nagpapakawala ng tubig; kaya bago sumiklab ang away, umalis ka na” – Kawikaan 17:14
KAHULUGAN: Ito’y nagsasabi na dapat iwasan ang pagtatalo upang hindi tayo mapahamak at madapuan ng gulo. At kapag nabasa ka na ay baka mahirap na itong patuyuin, na sa diwa ay magiging matindi ang pag-aaway kapag napukaw sa galit ang isa’t isa.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Kaibahan Ng Tema At Paksa – Kahulugan At Halimbawa