Ano Ang Unang Wika At Pangalawang Wika? (Sagot)
UNANG WIKA AT PANGALAWANG WIKA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga pa ang pangunahin at pangalawang wika at mga halimbawa nito.
Ating masasabi na ang panguhaning o unang wika ay ang wika na likas na sinasalita ng mga tao sa isang komunidad. Halimbawa, kung ikaw ay nasa Cebu, kadalasan ay Bisaya ang iyong pangunahing wika. Ito rin ang wikang madalas nating ginagamit sa pakikipagtalastasan sa loob ng bahay.
Pero, dahil sa pagka watak-watak ng mga isla sa Pilipinas at sa dami ng mga wika at diyalekto sa ating bansa, ginawang pambansang wika ang Tagalog. Dahil dito, ang Tagalog ay ginagamit bilang wikang panturo sa buong bansa.
Karagdagan, ang Tagalog ay naging pangalawang wika para sa mga taong hindi nakatira sa mga probinsya na hindi Tagalog ang pangunahing Wika. Samantala, ang mga residente naman sa mga lugar na ito ay Tagalog ang pangunahing wika at Ingles naman ang pangalawa.
Ang pangalawang wika ay wikang natutuhan ng isang tao matapos niyang maunawaang lubos at magamit ang kanyang sariling wika. Subalit, para sa karamihan ng mga Pilipino, ang Ingles ay nagiging pangatlong wika na dahil mayroon silang “mother tongue”, Tagalog, at Ingles.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Ano Ang Kawikaan? Ang Kahulugan At Paliwanag Nito