Sino-sino Ang Mga Tauhan Ng Cupid At Psyche? (Sagot)
TAUHAN NG CUPID AT PSYCHE – Ang Kwentong Cupid at Psyce ay mitolohiyang galing pa sa mga Gregong manunulat. Heto ang mga tauhan sa kwento:
- Cupid
- Psyche
- Venus
- Ama ni Psyche
- Apollo
- Zeus
- Ang dalawang kapatid na babae ni Psyche
- Zephyr
- Proserphina
- Charon
Ang kwentong ito ay nagsimula kay Psyche. Siya ang pinakabunso sa tatlong magkakapatid. Bukod rito, siya rin ay napakaganda. Sa sobrang ganda niya, isinamba na siya ng mga tao at hindi na si Venus, na diyosa ng pag-ibig.
Dahil dito, nagalit si Venus at sinabihan niya ang kanyang anak na si Cupid na panain siya para magmahal ng nilalang na napakapangit. Ngunit, nabighani rin si Cupid sa Ganda ni Psyche. Itinurok niya ang kanyang darili sa pana niya para iibigin ang dalaga.
Heto ang mga kalakasan at Kahinaan nina Cupid at Psyche:
- Si Cupid ay may abilidad na mapa-ibig ang kahit sinong gusto niya.
- Isa rin sa mga kalakasan niya ang ang pag-ibig niya kay Psyche.
- Masasabi rin natin na isa sa mga kahinaan ni Cupid ay ang kanyang pagmamahal kay Psyche. Dahil sa kanyang pagmamahal, hindi ito sumunod sa utos ni Venus na paibigin si Psyche sa isang Halimaw.
- Si Psyche ay matiyaga at hindi sumusuko sa ano mang laban.
- Ang isa sa mga kahinaan ni Psyche ay ang pagiging mausisa. Dahil dito, siya ay nadadala sa kapahamakan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Kahalagahan Ng Akademikong Sulatin – Halimbawa At Paliwanag
Salamat Po talaga 😘