Ano Ang Kaibahan Ng Mitolohiya Sa Epiko? (Sagot)
MITOLOHYA AT EPIKO – Sa paksang ito, ating aalamin ang mga kaibahan ng Mitolohiya at Epiko at ang mga halimbawa nito.
Ang dalawang gawang sining na ito ay mga halimbawa rin ng tinatawag na “Karunungang Bayan”. Ito ay isa sa mga instrumentong ginagamit upang ipasa ang kultura at tradisyon ng mga sinang-unang tao.
Dahil dito, magkapareho ang mga mitolohiya at epiko dahil naka batay ito sa kultura ng kanilang pinanggalingan. Pero, meron rin silang mga kaibahan. Heto ang mga halimbawa:
Ang Epiko ay isang malaking koleksyon ng mga mahahaba o maiiksing mga tula at sumasalaysay sa buhay ng isang payak na bida. Kadalasan, ito ay naka pangkat sa mga tinatawag na “cantos”. Ito rin ay halimbawa ng sinaunang mga sining na ginagamit rin bilang pampublikong datos.
Subalit, ang mga epiko ay kadalsang naka base sa mga kwentong galing sa mga mito at mga alamat. Samantala, ang Mitolohiya naman ay nakabatay sa kultura at paniniwala ng mga tao sa isang komunidad. Madalas makikita ang personipikasyon ng mga lakas ng makikita sa kalikasan katulad ng apoy, ulan, hangin, at iba pa.
Bukod rito, sumasalaysay rin ito ng mga kwento tungkol sa mga diyos, mga bayani, at kung paano nagawa ang isa lugar o paano nag simula ang isang grupo ng tao.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Tauhan Ng Cupid At Psyche At Mga Katangian Nila