Bakit Mahalaga Ang Pagkakapantay Pantay Ng Tao Sa Lipunan? (Sagot)
PAGKAKAPANTAY PANTAY NG TAO – Ang mga tao ang pinakamahalagang bahagi ng isang lipunan. Kaya nga tinawag ito na lipunan kasi ito’y isang malaking “lupon” o grupo ng mga tao.
Kaya naman, dapat nating tanungin kung bakit mahalaga ang pagkakapantay ng mga miyembro ng isang lipunan. Maaari nating sabihin na sa luob ng isang lipunan, mayroong mayaman at mga mahihirap. Pero, kahit na ganito, dapat pa ring pantay pantay ang kanilang mga karapatan sa isang lipunan. Paano naman ito mangyayari?
Ang tinatawag na “Pagkakapantay pantay sa lipunan” ay ang pagbigay ng parehong oportunidad para sa lahat ng tao na maabot ang pinakamabuti sa pamumuhay ng isang tao sa lipunan.
Ito ay nagsisimula sa pagbibigay ng magandang edukasyon para sa lahat. Kapag nabigyan ng oportunidad ng edukasyon ang isang tao, malaki na ang tulong nito sa pagpapalaganap ng pagkakapantay sa isang lipunan. Mahalaga rin ang pagkakapantay pantay ng mga miyembro ng lipunan upang mawala na ang diskriminasyon.
Kapag pantay pantay ang oportunidad ng mga tao sa isang lipunan, hindi na magiging hadlang ang iyong kasarian, pamilya, o pinangalingan upang makapasok sa isang mabuting trabaho. Kung tunay na pantay pantay ang mga tao sa lipunan, lalaki ang tiwala sa sarili ng mga tao na ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap sa buhay.
Bukod rito, kung mabuti ang pagtrato sa lahat ng tao, mas magiging produktibo silang miyembro ng lipunan. Higit sa lahat, kung tunay na pantay pantay ang mga tao sa lipunan, ang estado ng buhay ng mga tao ay magiging maganda.
Ito ang buhay na hindi lamang mga bayarin, o kung saan kukuha ng pera para sa pagkain ang iniintindi, kundi ang mga posibleng oportunidad na makukuha.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Pangunahing Tauhan Ang Ama – Pangunahing Tauhan Ng Kwento At Bakit