Mga Aral, Tauhan, At Buod Ng Alamat Ng Bayabas
ALAMAT – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang buod ng alamat ng bayabas at ang mga aral na makukuha sa kwento.
- Sultan Barabas : ang malupit na Sultan
- Mangingisda : Mister ng Magdadaing
- Magdadaing : Misis ng Mangingisda
- Binatilyo : Anak ng Mangingisda at magdadaing
Sa sinaunang panahon, may sultan na masyadong malupit at gumagawa ng hindi makatarungan. Ang sultan na ito ay kinilala bilang si Sultan Barabas.
Siya ay labis na kinatatakutan ng mga nasasakupan niya dahil sa kanyang labis na kalupitan. Bukod rito, kung ano ang sasabihin ng sultan, iyon na agad ang batas at walang makaka takas dito.
Wala siyang iginagalang sa kanyang pagpaparusa. Kahit matanda ka man o bata, lalaki ka man o isang babae, basta may sala ka sa kanyang paningin, ikaw agad ay paparusahan.
Ang salita ni Sultan Barabas ay batas. Wala siyang iginagalang sa kanyang pagpaparusa. Matanda at bata, lalaki at babae ay pinarurusahan niya. Mabigat ang parusang ipinapataw niya sa mga nakagagawa ng kahit maliit na kasalanan.
Araw-araw, ang sultan ay nabibihisan ng magagara at mamahaling damit at hindi siya nauubusan ng masarap na pagkain. Siya rin ay palaging may suot na korona na hindi niya hinuhubad kahit saan man ito pumunta dahil ito raw ang nagpapakita ng kapangyarihan niya at ang pagkaka-angat niya sa lahat.
Ngunit, kahit ito ay mayaman, siya naman ay labis na madamot. Ang mga pulubi nga ay hindi niya binibigyan ng pagkain o tulong. Siya rin ay may malawak na hardin na puno ng namumungang kahoy. Pero, siya lamang at mga aliping tagapitas ang makakapasok.
Isang araw may dinakip ang sultan na mangingisda at kinulong ito. Nalaman ng asawa ng mangingisda na nahuli ang kanyang asawa at pinuntahan agad ang palasyo ng sultan. Ngunit, siya rin ay dinakip.
Dahil dito, naiwang mag-isa ang anak ng mangingisda sa kanilang bahay. Nugnit, ang anak pala nila ay inaalagaan ng mga enkantada sa gubat. Kaya sa sumunod na araw, pumunta naman ang bata sa tirahan ng sultan.
Dinemanda niya na dapat siya ay pakainin ng sultan dahil kinulong niya ang magulang ng bata na nagbibigay ng pagkain sa kanya. Tinawanan lamang ito ng sultan. Kaya inagaw ng bata ang korona ng sultan at tumakbo papunta sa hardin.
Sinubukang habulin ng sultan ang bata pero masyado itong mabilis. Dahil sa pagod, humingal ang sultan at natumba habang sumikip ang kanyang dibdib. Sa ilang sandali lamang, nawalan na ng buhay ang sultan.
Sa hardin na mismo inilibing ang sultan at pagdating ng panahon, may mas mabuting sultan na pumalit sa kanya. Binuksan ng bagong sultan ang hardin para sa lahat ng tao at may bagong halaman na tumubo sa kung saan inilibing ang dating sultan.
Ng magbunga ito, tinikman ng mga tao ang prutas ng bagong puno. Simpait raw nito sa ugali ni Sultan Barabas, maasim rin daw ito katulad ng mukha ng Sultan, bukod rito, may maliit rin na korona sa itaas ng bunga.
“Kung gayon si Barabas ang punong iyan” saad ng nakararami. Di nagtagal, nahinog ang mga bunga ng puno at na tuklasan nilang matamis ito. Mula noon, “bayabas” na ang tawag sa bunga ng puno.
BASAHIN RIN: Cringe In Tagalog – English To Tagalog Translations