Ano Ang Kahalagahan Ng Mitolohiya? (Sagot)
MITOLOHIYA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahalagahan ng mitolohiya sa ating buhay at lipunan.
Ang mitolohiya ay mahalaga dahil bahagi ito ng ating kasaysayan. Ito ay mga kwentong nagsasalamin sa buhay, tradisyon, at kultura ng ating mga ninuno bago paman tayo nasakop ng mga kastila. Ang kahalagahang dala ng Mitolohiya ay mas makikita sa larangan ng sining at panitikan.
Ito ay dahil ang mitolohiya ay mahalaga sa mga pintor, arkitekto at, manlililok, para mas mapaganda at mas mapaunlad ang kultura ng ating bansa. Bukod rito, ang mga mito rin ay sumasalamin sa mga karanasan ng ating mga ninuno.
Totoo man na ang mito ay base sa mga kuro-kuro ng mga sinaunang tao, dapat nating intindihin na lahat ng ito ay nababase sa mga tunay na pangyayaring hindi masyadong mauunawaan ng sina unang tao. Kaya naman, gumagawa sila ng personipikasyon para sa mga lakas ng kalikasan.
Sa ngayon, malalaman natin kung paano nabubuo ang mga bagyo, kilat, baha, apoy, at iba pa. Pero, dati, wala silang mga instrumento at kaalaman tungkol dito. Kaya naman gumagawa sila ng mga kwento upang ipaliwanag ang mga nakakamanghang pangyayari sa kanilang panahon.
Pero, dahil rin sa mga mito, nagkakaroon tayo ng pagkakataong pag-aralan ang mga magagandang asal na ipinapakita ng mga diyos at diyosa sa kwento. Mahalaga rin ang mitolohiya dahil maraming aral ang makukuha na maaring gamitin sa pang habang buhay.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Alamat Ng Bayabas – Buod, Tauhan, At Aral Ng Kwento