Ano Ang Kahalagahan Ng Paghahati Ng Mundo Sa Pitong Kontinente? (SAGOT)
PAGHAHATI NG MUNDO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahalagahan o implikasyon sa paghahati ng mundo sa pitong kontinente.
Ating tandaan na ang mga politikal na aspeto ng heograpiya ng mundo ay kathang isip lamang ng mga tao. Tayo mismo ang nag desisyon na hatiin ang mundo upang malaman ang teritoryong sakop ng isang pamahalaan o sistemang politikal.
Ngunit, mahalaga pa rin ang paghahati ng mundo kung ating titignan ito sa heograpikal na aspeto. Napapadali ng paghahati ng mundo ang pag-aaral sa heograpiya. Ito’y dahil mas mabibigyang diin o pokus ang isang lugar kesa pag-aaralan ito ng kabuuan.
Isa rin sa mga rason kung bakit nahati ang mga kontinente ay dahil sa mga tinatawag na “tectonic plates” o “continental plates“. Ang mga ito ang pisikal na naghahati ng mga lugar sa mundo.
Ang isa ring rason kung bakit mahalaga ang paghahati ng mundo sa pitong kontinente dahil mas madali nating mapag-aralan ang kultura at tradisyon ng mga naninirahan dito. Ito’y dahil ang kultura ng isang bansa ay kadalasang magkapareho o may pagkakatulad sa iba pang bansa na sakop ng kanyang kontinente.
Isa sa mga halimbawa nito ay ang Asia. Dito, makikita natin na maraming pagkakatulad sa mga kultura at tradisyon ang mga bansa. Sa pagkain man, pananamit, at kaugalian.
Kaya naman, masasabi natin na isa sa mga kahalagahan ng paghahati ng mundo sa pitong kontinente ay ang pag-aaral ng teoretikal at pisikal na mga aspeto ng heograpiya.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASHAHIN RIN: Pinakamababang Antas Ng Wika – Kahulugan At Halimbawa