Ano Ang Kahulugan Ng Teknikal At Bokasyonal Na Sulatin? (Sagot)
TEKNIKAL AT BOKASYONAL – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng teknikal at bokasyonal na sulatin.
Ang uri ng sulating ito ay isang komunikasyon gamit ang pagsusulat. Ito rin ay isang propesyunal na sulatin dahil sa mga teknikal nitong aspeto na ginagamit sa iba’t-ibang larangan.
Kaya, ang laman ng teknikal at bokasyonal na mga sulatin ay puno ng mga espesyalisadong bokabyolaryo na hindi maiintindihan kapag walang tamang konteksto. Ang mga terminolohiya at mga salitang ito ay makikita lamang sa isang espisipikong larangan.
Bukod rito, ang Teknikal at Bokasyonal na sulatin ay dapat tiyak dahil ito ay nagbibigay ng espisipikong panuto kung paano gagawin ang mga bagay-bagay. Ngunit, ating tandaan rin na kahit ito’y tiyak, ito rin dapat na maging malinaw at madaling maunawaan.
Dahil ito ay isang propesyunal na sulatin, dapat wala ring halong emosyonal na aspeto ang sulating ito. Karagdagan, dapat rin itong magkaroon ng kompletong impormasyon tungkol sa paksa at konkretong obhetibo.
Ang Teknikal at Bokasyonal ring sulatin ay madalas ginagamitan mg mga ulat pang-laboratoryo o laboratory report, mga proyekto, mga panuto, at dayagram. Ang halimbawa ng teknikal at bokasyonal na sulatin ay, manwal, feasibility study, promo materials, deskripsyon ng produkto at marami pang iba.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Kahulugan Ng Paglalahat – Ano Ang Paglalahat At Halimbawa Nito?