Ano Ang Mga Halimbawa Ng Uri Ng Dulog? (Sagot)
URI NG DULOG HALIMBAWA – Bago nating talakayin kung ano ang mga dulog, kailangan nating intindihin kung ano nga ba ang panitikan.
Ang pagbasa ng panitikan ay hindi lamang naka sentro sa proseso ng pagkuha ng kahulugan ngunit mahalaga rin dito ang pagbuo ng ng kahulugan. Dito pumapasok ang dulog sa pagsusuri ng panitikan. Ito ang mga halimbawa ng dulog:
Pormalistiko – Ang layunin ng panitikan ay ang ipahiwatig sa mambabasa ang nais nitong ipaabot na paksa o ideya gamit ang tuwirang panitikan.
Kaya, dapat pag-aralan ang istraktura o pagbuo ng isang akda (mga elemento, teknik, sukat, tugma).
Moralistiko – Dito sinusuri o pinag-aaralan ang pagpapahalagang ginamit. Pinapahalagahan ang moralidad, disiplina, at kaayusang nakapaloob sa akda.
Sosyolohikal/Historikal – Hinihinuha ang kalagayang panlipunan ng panahong kinatha ang panitikan. Ang layunin ng dulog na ito ang ipakita ang karanasan ng isang pangkat ng tao na siyang puwedeng gawing basihan ng kasaysayan at bahagi ng pagkahubog.
Sikolohikal – Dito pinag-aaralan at tinatalakay ang takbo ng isip ng may katha.
Ito’y sa pamamagitan ng iba’t-ibang paraan katulad ng pagtimbang sa antas ng buhay, paninindigan, paniniwala, mga bagay na binibigyan halaga, at kung ano ang tumatakbo na isipan at kamalayahan ng mga tao sa ginagawang aral.
Feminismo – Dito tinatalakay ang imahen, pagkakalarawan at gawain ng mga kababaihan sa loob ng akda. Inilalantad ang mga de-kahong imahen at anumang uri ng diskriminasyon sa mga babae.
Humanistiko – Ang dulog na ito ay nagsasabi na ang tao ang sentro ng daigdig. Dito, binibigyang-pansin ang mga talento at talino ng tao sa maraming bagay.
Istaylistiko – Dito sinusuri ang istilo at mga kagamitang wika ng may akda katulad ng:
- Wikang ginamit
- Paningin o pananaw ng pagkakasulat ng akda
- Paraan ng paglalarawan ng tauhan at tagpuan
- Tayutay
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Kahinaan At Kalakasan Ni Gilgamesh – Halimbawa At Paliwanang Nito