Paano Hinuhusgahan Si Quasimodo Ng Mga Tao? (Sagot)
PAANO HINUHUSGAHAN SI QUASIMODO – Kung ika’y nakapanood ng “The Hunchback Of Notradame”, sigurado ika’y pamilyar sa karakter na si Quasimodo.
Siya ay isang kuba na siyang nag-aalaga ng kampanera ng kanilang lugar. Subalit, kahit na mabait at matulunging tao si Quasimodo, siya pa rin ay hinuhusgahan ng lubusan ng mga tao dahil sa kanyang kaanyuan.
Dahil dito, ang kawawang si Quasimodo ay nagtago sa mata ng publiko. Ito’y naging lubos na mahiyain at puno ng “insecurities” dahil sa kanyang anyo.
Siya ay tinuring isang halimaw ng mga tao sa kanilang lugar dahil lamang sa kanyang sakit. Kaya naman, nagtatago na lamang ito at gumawa ng mga kaibigan na nasa imahenasyon niya lamang.
Ngunit, si Quasimodo rin ay natutong umibig sa magandang babaeng si Esmeralda. Subalit, hindi ni Esmeralda naibalig ang pag-ibig kay Quasimodo. Pero, nakikita nito ang kagandahang luob ng kuba.
Masakit lang isipin na mula noon hanggang ngayon, masasalamin pa rin ang mga pangyayari sa kwento sa kasalukuyang panahon. Basta iba ka at pangit sa panigin ng karamihan, ika’y madaling itulak palayo.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Mga Uri Ng Dulog – Halimbawa Ng Dulog Sa Panunuring Pampanitikan