Heto Ang Mga Halimbawa Ng Trabahong Teknikal At Mga Uri Nito
HALIMBAWA NG TRABAHONG TEKNIKAL – Maraming teknikal na trabaho ang makikita sa buong mundo.
Ang mga trabahong ito ay nangangailangan ng labis na pag-aaral. Heto ang mga halimbawa:
1. Tagapagsaliksik gamit ang Internet (Web-researcher)
Isa sa mga negosyong patok ngayon sa pandemya ang paggawa ng mga blog o artikulo. Sa pamamagitan nito, maaaring bigyan ng mga patalastas ang isang website upang makakuha ng pera ang may-ari nito.
2. Pagtatala ng mga data (Data Entry)
Ang pagtatala ng data o impormasyon ay isa sa pinakamahalagang trabaho sa loob ng isang kompaniya, lalo na sa mag malalaking kompaniya. Dito nakasalalay ang paggawa ng kritikal desisyon para lumago pa ang isang negosyo o kompaniya.
3. Programming sa Komputer
Malaki ang bayad sa mga programmer dahil kung wala ang mga ito, hindi tayo magkakaroon ng mga teknolohiyang ginagamit natin sa pang araw-araw na buhay. Ito’y trabahong teknikal dahil marami kang kailangang malaman na syntax at dapat magaling rin ang iyong lohika at pagsagot sa mga kritikal na problema.
4. Teknikal na Pagsusulat
Ang uri ng sulating ito ay isang komunikasyon gamit ang pagsusulat. Ito rin ay isang propesyunal na sulatin dahil sa mga teknikal nitong aspeto na ginagamit sa iba’t-ibang larangan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Paano Hinuhusgahan Si Quasimodo – Paliwanag At Iba Pa!