Ano Ang Mga Halimbawa Ng Puwersa Ng Kalikasan?
PUWERSA NG KALIKASAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga halimbawa ng puwersa ng kalikasan.
Ang puwersa ng kalikasan o “forces of nature” sa Ingles ang mga natural na lakas na galing sa inang kalikasan. Ito ay hindi gawa nang mga tao at hindi artipisyal.
Hindi lamang ito limitado sa mga natural na kalamidad na ipinapakita ng inang kalikasan katulad ng mga bagyo, lindol, kidlat, malalaking alon, at pagsabog ng mga bulkan. Isa sa mga puwersa ng kalikasan ay ang “gravity”.
Ang mga natural rin na sakit na kumakalat sa mga tao katulad ng mga pandemya ay isa rin sa mga puwersa ng kalikasan. Minsan nga, masasabi natin na ang mga puwersang ito ay katulad lamang sa pagkakasakit ng isang tao.
Kung ang tao ay may sakit, umiinit ang katawan upang mapatay ang mga masasamang bakterya na nasakatawan natin. Ito rin ang nangyayari kapag inaabuso ng mga tao ang likas na yaman. Sa katulad na paraan, ang pwersa na kalikasan ay ang pagtugon mismo ng kalikasan sa mga pang-aabuso na ginagawa ng mga tao sa mundo.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Ano Ang Lingguwistikong Komunidad? – Kahulugan At Iba Pa