Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Kalikasan Ng Tao”?
KALIKASAN NG TAO – Sa artikulong ito, ating tatalakayin kung ano ang tinatawag na kalikasan ng tao at ang mga halimbawa nito.
Ating masasabi na ang kalikasan ng tao ay isa sa mga rason kung bakit tayo tinatwag na mga tao. Ang ating aking mga emosyon at katalinuhan ang kaibhan natin sa mga hayop. Bukod sa lahat tayo ay ginawa sa imahe ng Diyos.
Mayroong dalawang kalikasan ang isang tao. Ito ang Espiritwal at Materyal na kalikasan.
Kasama ng dalawang kalikasang ito ay ang kakayahan ng tao ng pangkaalamang pakultad at ang tinatawag na pagkagustong pakultad. Ang Pakultad na kaalaman ay ang ating kakayahan na umunawa, humusga, gumawa ng desisyon, at mangatwiran dahil sa saloobing pandama at panlabas na pandama.
Ngunit, ang pangkagustong pakutlad naman ay galing sa ating mga emosyon at mga kilos.
Samantala, kung titignan natin ang ating panloob na pandama, dito natin mararanasan ang kamalayan, memorya, at imahinasyon. Bukod rito, napapaloob dito ang tinatawag natin na “instinct”.
Ito ay mga prediksiyon na ating ginagawa na walang direktang kaugnayan sa totoong nangyayari. Ngunit, ito rin ay nakabatay sa mga impormasyon na ating nakuha galing sa panlabas na pandama.
Sa Ingles, ito ay ating matatawag na “basic senses”. Sila ang mga sumusunod:
- pandinig
- paningin
- pang amoy
- pandama
- panlasa
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Paano Tayo Nabubuklod Ng Wika? – Halimbawa At Paliwanag