Impormal Na Sektor Halimbawa At Kahulugan Ng Mga Ito

Ano Ang Mga Halimbawa Ng Impormal Na Sektor?

IMPORMAL NA SEKTOR – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga halimbawa ng mga parte ng impormal na sektor.

Ang impormal na sektor ay ang hindi nakarehistro na mga negosyo, negosyante, lupa, bahay, at iba pang mga hindi dokumentado. Ang Halimbawa nito ay makikita natin sa pang araw-araw natin na buhay.

Karamihan sa mga maliliit na tiange ay isang halimbawa ng sektor na ito. Sila ay tinatawag na impormal dahil hindi kumukuha ng papeles ang kanilang negosyo. Ang mga bumibenta rin ng kanilang personal na kagamitan ay parte ng impormal na sektor.

Impormal Na Sektor Halimbawa At Kahulugan Ng Mga Ito

Isa rin sa mga parte ng impormal na sektor ay ang mga bilihin na galing sa ibang bansa na walang dokumento. Ang halimbawa nito ay nakikita sa mga produkto na galing sa ibang bansa na hindi dumadaan sa customs ang mga papeles. Marami ring mga “black box” o produktong hindi dumadaan sa customs ang nakakaiwas sa tax.

Mga halimbawa: Illegal na pagbebenta ng gamot, illegal na sugalan, black market ng dolyar at iba pang currency.

Kung ating susuriin ng mabuti, malalaman natin na ang isang bagay ay parte ng impormal na sektor dahil hindi ito naisasama sa kabuuang Gross Domestic Product ng isang bansa.

Subalit, hindi palaging masama ang impormal na sektor. Ito ay dahil sinasalo ng sektor na ito ang mga mamamayan na hindi makapasok bilang isang regular na empleyado ng mga kompanya.

Bukod rito, isa rin ito sa mga dahilan kung paano makapaghanapbuhay ang mga mamamayan. Malaki rin ang tulong na binibigay ng sektor na ito sa mga konsumer dahil sa murang halaga ng mga produkto at serbisyo.

Pero, ating tandaan na ito rin ay may dalang peligro. Dahil walang mga papeles at dokumento ang isang negosyo, kailangan nating mag-ingat sa mga serbisyo at produkto nila dahil minsan, peke lamang ito.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.

BASAHIN RIN: Mga Alamat Ng Prutas – 10+ Halimbawa Ng Alamat Tungkol Sa Prutas

Leave a Comment