Heto Ang Mga Halimbawa Ng Pangungusap Na May Salawikain
PANGUNGUSAP NA MAY SALAWIKAIN – Ang salawikain ay tinatawag na mga “proverbs” sa Ingles. Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang mga halimbawa nito na ginagamit sa mga pangungusap.
Isa sa mga itinuturo sa mga estudyante ay ang mga salawikain o mga kasabihan na makukunan ng aral at gabay. Kaya naman, maramin ang mga bata na mahilig sa mga kabisabihang ito. Heto ang mga halimbawa na ginagamit sa mga pangungusap.
- Kung ayaw mong masaktan, huwag mong gawin sa iba ang mga ayaw mong gawin sa iyo.
- Kapag ika’y aaral ng mabuti, malayo ang maabot mo sa buhay dahil nga, kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
- Dapat kumayod tayo para sa ating kinabukasan dahil kung wialang tiyaga, wala ring nilaga.
- Hindi masama ang pagkakabigo dahil nga ang buhay ay parang gulong, minsan nasa itaas, minsan, nasa ibaba.
- Dapat turuan natin ang ating mga kabataan ng magagandang asal dahil kung ano ang ginagawa sa pagkabata, kadalasan ay nadadala sa pagtatanda.
Heto pa ang ibang halimbawa ng mga salawikain:
- Ang umaayaw ay hindi nananalo, ang nananalo ay hindi umaayaw.
- Ang katotohanan kahit na ibaon, mabubulgar rin pagdating ng panahon.
- Pulutin ang mabuti, iwaksi ang masama.
- May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
- Bawat isa sa atin ay arkitekto ng ating kapalaran.
- Ang kaginhawaan sa kasiyahan matatagpuan at ‘di sa kasaganaan.
- Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
- Pagkahaba-haba mang ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy.
- Walang magbabago kung hindi mo ito sisimulan.
- Mabuting mga asal dapat nating tularan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Talumpati Tungkol Sa Pag-Ibig Halimbawa At Iba Pa!