Sino Ang Mga Bayani Ng Kasalukuyang Panahon? (Sagot)
MODERNONG BAYANI – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga halimbawa ng mga bayani sa kasalukuyang panahon.
Sa panahon ng pandemya, maraming buhay na ang nawala at labis na naaapektuhan. Buti na lamang, may mga bayani na patuloy na tumutulong para sa kapakanan ng mga tao.
Kaya naman, sa harap ng pandemya, ating dapat turiin na bayani ang mga frontliners at mga nagtatrabaho sa medikal na industriya. Araw-araw, sumasakripisyo sila para ma tulungan ang mga taong naapektuhan ng COVID-19. Bukod rito, labis na pagod at hirap ang kanilang dinadaanan para lang maka tulong.
Isa rin sa ating mga bagong bayani ang mga OFW na hindi lamang tumutulong para sa kanilang pamilya, kundi pati na rin sa buong bansa. Kahit na malayo sila sa kanilang pamilya, tinitiis nila ito para lamang ma bigyan silang ng magandang buhay.
Samantala, ang mga grupo or indibidwal na tumutulong sa mga nasalanta ng pandemya sa kanilang maliit na paraan ay siya ring matatawag na mga bayani. Ito’y dahil kahit na hindi nila kailangang tumulong, ginagawa pa rin nila ang lahat para matugunan ang pangangailangan ng mga mahihirap.
Ang ating mga guro, police, militar, ay mga halimbawa rin ng mga modernong bayani. Dapat lang nating tandaan na kahit sino ay maaaring maging bayani. Ang kailangan lamang ay ang pagtulong sa kapwa ng buong puso sa kahit anong paraan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Ang Magtanım Ng Galit, Galit Din Aanihin Kahulugan