Ano Ang Mga Positibong Epekto Ng Internet Sa Mga Mag-aaral?
POSITIBONG EPEKTO NG INTERNET – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang iba’t-ibang positibong epekto ng bagong teknolohiya sa buhay ng mga bata.
Ang internet ay isa sa pinakamagandang imbento ng tao. Dahil sa internet, maraming buhay ang umunlad. Kahit anong impormasyon na gusto mong malaman ay nasa kamay mo na dahil sa internet. Kaya naman maraming mga positibong epekto ito.
Sa buhay ng estudyante, ang internet ay isang instrumento ng kaalaman. Lahat ng pangangailangan ng estudyante, mula sa mga libro, akademikong sulatin, at iba pang artikulo ay makikita sa internet.
Bukod rito, ito’y nagbibigay ng paraan para magkasama-sama ang mga malalayong kaibigan, kapamilya, at iba pang mga mahal sa buhay. Ngunit, kadalasan hindi natin nagagamit ang internet sa isang produktibong paraan.
Dahil sa internet, lumaki na rin ang kagustuhan ng mga tao sa “entertainment”. Nalilibang ang mga tao sa mga video, laro, sosyal medya, at iba pang mga bagay na makikita sa internet.
Kaya naman, hindi lamang puro positibo ang epekto nito sa mga estudyante. Dahil dito, kailangang bigyan ng balanse ang paggamit ng internet upang hindi nito masakop ang buong buhay ng isang tao.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Karaniwang Tema Ng Mitolohiya At Kahulugan Nito