Ano Ang Kahulugan Ng Suntok Sa Buwan? (Sagot)
SUNTOK SA BUWAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano ang kahulugan ng salawikaing “suntok sa buwan” at ang paliwanag nito.
Ang suntok sa buwan ay nangangahulugang bagay na mahirap o imposibleng mangyari katulad lamang ng pagsuntok sa buwan. Ika’y ordinaryong tao lamang at kahit posible ring suntukin ang buwan, napakahirap itong gawin.
Kaya naman, kung may mga bagay tayong gustong gawin na masyadong mahirap, sinasabi natin na “parang suntok sa buwan” ang bagay na iyan. Halimbawa:
Suntok sa buwan ata na magugustuhan rin ako ni Eva, may gusto na yun kay Peter eh. Sa pangungusap na ito, sinabi ng tao na mahirap na at imposible na ata na siya’y magugustuhan ni Eva.
Parang suntok sa buwan na ata na maka pasa pa ako sa pagsasanay na ito.
Alam kong suntok lang ito sa buwan, pero gusto ko sanang magkaroon ng sports car.
Ang mga bagay na akala nyo’y suntok lamang sa buwan ay maaaring makuha sa tamang kombinasyon ng sipag at tiyaga.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Slogan Tungkol Sa Wikang Pambansa Halimbawa At Iba Pa!