Ano Ang Kaugalian Ng Kabayo At Kalabaw Sa Pabula? (Sagot)
KAUGALIAN NG KABAYO AT KALABAW – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga kaugalian ng pangunahing tauhan sa isang pabula.
Sa kwentong ito, ang amo ng kabayao at kalabaw ay may balak na manirahan sa bayan. Kaya naman, matapos itong mag-ipon ng pera ay kinuha agad ang lahat ng gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw.
Habang naglalakad, humingi ng tulong si kalabaw dahil sa bigat ng kanyang mga dala. Subalit, hindi ito tinulungan ng kabayo. Humingi ng awa ang Kalabaw at sinabihan si Kabayo na kailangan niyang magpaginaw dahil lalong umiinit ang panahon. Pero sinabihan ito ng kabayo na “bahala ka sa buhay mo”.
Kaya naman, habang naglalakad sila sa mainit na araw, biglang natumba si Kalabaw at pumanaw. Pagkatapos nito, isinalin ng amo ang lahat ng gamit ni kalabaw kay Kabayo. Labis ang pagsisisi nito dahil sa hindi pagtulong kay kalabaw.
Ang Kaugalian na ipinakita ni Kabayo ay ang pagiging hindi matulungin sa kapwa. Dahil dito, nahirapan si Kalabaw kahit ilang beses na itong humingi ng tulong. Sa huli, si Kabayo ay nagsisi dahil mas lalong bumigat na ang kanyang dala.
Samantala, si Kalabaw naman ay nagpakita ng kaugalian ng pagiging porsigido. Kahit alam niya na mahirap at mabigat ang kanyang dala, hindi ito sumuko at nakipagbakbakan pa sa init ng araw. Ngunit, dahil hindi ito nakapagpahinga, pumanaw ang kawawang hayop.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Pagkakaiba Ng Pamayanan At Lipunan Kahulugan At Halimbawa