Bakit Nagkaroon Ng Kakapusan? (Sagot)
KAKAPUSAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba nagkaroon ng tinatawag na kakapusan at ang halimbawa nito.
Ang kakapusan ay ang kakulangan ng mga pangangailangan ng mga tao. Bukod rito, ang pinakamalaking dahilan ng kakapusan ay ang kahirapan ng mga tao. Isa rin sa mga dahilan ng kakapusan ay ang pagdami o paglaki ng populasyon sa bansa.
Ang pag taas rin ng presyo ng mga bilihin ay dahilan rin kung bakit nangyayari ito. Sa pagpatuloy ng panahon, kadalasan tumataas ang mga presyo ng bilihin dahil sa tinatawag na “inflation”. Pero, kahit na tumataas ang presyo ng mga produkto, ang sweldo o kita ng mga tao, lalo na ang mga mahihirap ay hindi umiiba. Minsan nga, bumababa pa.
Heto pa ang ibang halimbawa:
- mabilis na pagdami o paglaki ng populasyon
- di maayos na paggamit ng pinagkukunang yaman
- walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao
- matinding polusyon
- pagtaas ng demand ng mga produkto
Isa rin sa dapat nating tandaan na ang kakapusan ay hindi lamang nangyayari sa mga tao. Ito rin ay nangyayari sa ating kalikasan. Sa ngayon, malaking bahagi ng ating likas na yaman ay nasisira para lagyan ng mga negosyo katulad ng geotermal, minahan, at mga resort.
Dahil kapos na tayo sa mga likas na yaman, ang mga hayop sa kagubatan na sa Pilipinas lamang nakikita ay mabilis na namamatay. Bukod rito, mas laganap na rin ang mga natural na kalamidad dahil nawawala na rin ang mga natural na proteksyon natin laban dito.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Ano Ang Katangian Ng Sinopsis – Halimbawa At Kahulugan