Ano Ang Kalagayang Ekolohikal Ng Asya? (Sagot)
KALAGAYANG EKOLOHIKAL – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kalagayang ekolohikal ng Asya at iba pang kaalaman tungkol dito.
Bago tayo mag simula, kailangan muna nating intindihin kung ano ang “ecosystem” ng Asya.
Mayroon dalawang ecosystem tayo na makikita ito ang Biotic at Abiotic. Ang biotic ay may buhay na organismong patuloy na nagkakaroon ng interaksyon. Samantala, ang abiotic naman ay walang buhay na mga bagay sa ating kapaligiran.
Sa ngayon, ang kalagayan ng Asya ay nakabatay rin sa mga suliraning pangkapaligaran na nararanasan ng kontinente. Bukod rito, ang kalagayang ekolohikal nito ay masama na rin dahil sa polusyong nagaganap sa lupa, tubig, at hangin.
Isa rin sa mga pinakamalaking isyo ng lahat ng lugar sa mundo ay ang tinatawag na “climate change” o ang pag-iba ng klima. Sa kasalukuyan, dumarami na ang mga bagyo na dumaraan sa ating bansa. Ang isa sa mga dahilan nito ay ang patuloy na pag-init ng ating mundo.
Dahil sa mas mainit na tubig dagat, mas madaling makabuo ng low pressure area na posibleng maging bagyo.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Bakit Nagkaroon Ng Kakapusan? – Paliwanag At Iba Pang Kaalaman