Ano Nga Ba Ang Isang Konseptong Papel? (Sagot)
KONSEPTONG PAPEL – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang tinatawag na konseptong papel at ang mga halimbawa nito.
Ang isang konseptong papel ay naglalaman ng 4 na bahagi. Ang rationale, layunin, metodolohiya at inaasahang output o resulta. Heto ang mga kahulugan ng apat na bahagi ng isang konseptong papel.
Rationale – ang bahaging ito ay naglalaman ng kasaysayan o dahilan kung bakit napili ng manunulat anlg isang paksa. Mababasa din dito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa.
Layunin – dito natin makikita ang hangarin o tungkulin ng pananaliksik ng paksang pinili ng manunulat.
Metodolohiya – dito nakasaad ang pamamaraan na gagamitin ng isang mananaliksik sa pangangalap ng datos na gagamitin sa pananaliksik.
Inaasahang output o resulta – nakalagay dito ang inaasahang kalalabasan o magiging resulta ng pananaliksik o pag aaral. Tandaan rin na dapat pinapatuloy ang pangangalap ng impormasyon at maaari paring magkaroon ng pagbabago sa inaasahang resulta sa pinal na papel depende sa kalalabasan ng pagkalap ng impormasyon.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Ang Munting Ibon Buod – Kwentong Bayan Ng Maranao