Akdang Pampanitikan Halimbawa: Ano Ang Kahulugan & Halimbawa

Ano ang Akdang Pampanitikan Halimbawa?

Akdang Pampanitikan Halimbawa – Ang artikulong ito ay naglalayon na magbigay ng kahulugan ng akdang pampanitikan at mga halimbawa nito.

Ang salitang panitikan ay nag mula sa “pang-titik-an” at ito ay nangangahulugan na literatura o mga akdang nasusulat. Ito rin ay naglalaman ng mga akda na tumatalakay o tungkol sa pang araw-araw na buhay. Bahagi rin ng panitikan ang kathang-isip, pag-ibig, kasaysayan, at iba pang aspeto.

Kahulugan ng akdang pampanitikan

Ito ay tumutukoy sa mga akda o mga sulatin katulad ng mga tula, maikling kwento, pabula, parabula, epiko, alamat, sanaysay, talumpati at marami pang iba. Sa ganitong topiko, napapabilang rin ang pagsasalaysay ng kaalaman, damdamin, kultura, at mga ideya nga mga tao.

akdang pampanitikan halimbawa

Mga halimbawa ng akdang pampanitikan

Maikling Kwento – Ito ay isa sa mga anyo ng panitikan na nangangahulugang maiksing salaysay na naglalaman ng isang kwento na may mahalagang pangyayari.

Epiko – Ito isang tula na nagkukwento ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na mayroong mga katangian na higit pa sa kung ano ang mayroon sa isang ordinaryong tao.

Pabula – Ito ay tumutukoy sa mga kwento na kung saan ang mga pangunahing tauhan ay mga hayop ngunit ang mga pangyayari sa kwento ay nasasalamin sa totoong buhay.

Nobela – Ito ay isang mahabang likhang sining na nagpapakita ng mga pangyayariing pinagdikit sa pamamagitian ng balangkas.

Salawikain – Ito ay tinatawag rin na mga kasabihan na mapupulutan ng mabuting aral na layuning magturo.

Parabula – Talinghaga ang isa pang tawag sa uri na ito na tumutukoy sa maikling kuwento na galing sa Bibliya na kung saan ang mga importanteng aral ay makukuha.

Mito – Ang mga mitolohiyang na tatak Pilipino ay mga paniniwala na mula sa unang panahon bago pa dumating ang mga Espanyol at ipinakilala ang Kristyanismo.

Kwentong-Bayan – Ito ang tawag sa mga mga alamat, mito, parabula, o pabula na matatagpuan sa ating bansa.

Anekdota – Ito ang akdang tuluyan na tumatalakay sa nakakatawa o kakaibang pangyayari o insidente.

Haiku – Ito ay tumutukoy sa uri ng sulat na nagmula sa bansang Japan. Ito ay pwedeng i hambing sa “tanaga” o maikling tulang Pilipino ngunit may pagkakaiba sa pamamaraan ng pagsulat nito.

Leave a Comment