Ano Ang Buod Ng Pabulang “Ang Hatol Ng Kuneho”? (Sagot)
ANG HATOL NG KUNEHO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang buod ng paublang “Ang Hatol Ng Kuneho”.
Noong unan panahon ang mga hayop ay may kakayahan pang magsalita. May isang tigreng naghahanap ng makakain sa gubat. Pero, ito’y nahulog sa isang malalim na hukay. Dahil sa kanyang laki, wala siyang nagawa at nagmakaawa itong sumigaw ng tulong.
Sa sumunod na araw, may isang taong nakakita sa Tigre. Agad namang humingi ng tulog ang hayop ngunit nagdalawng isip pa ang tao at baka siya ay kainin ng Tigre. Dahil dito, nangako kaagad ang tigre na hindi niya kakainin ang tao.
Nang siya ay tinulungan na, hindi nakaya ng tigre ang kanyang gutom at kinain niya pa rin ang tao. Nakiusap ang tao sa tigre na huwag siyang kainin kung sakali ay humingi ng hatol ang tao sa puno kung siya ba ay karapat dapat na kaninin.
Ipinaliwanag ng tao ang nangyari ngunit tila sang ayon ang puno na sya ay kainin ng tigre sa kadahilanang ang mga tao ang may kasalanan sa pag kaubos ng mga puno. Muling humingi ng hatol ang tao sa napadaang Baka, ngunit katulad ng hatol ng puno ay ganoon din ang hatol nito.
Hindi naglaon, may dumating na kuneho na lumulukso at ito naman ang hiningian ng hatol ng tao at tigre. Sinabihan sila ng kuneho na isalaysay ulit ang nangyari. Kaya naman, pumunta ulit ang tigre sa hukay upang maibigay ang hatol niya.
Ang hatol ng kuneho ay, “Magpatuloy na lamang ang tao sa paglalakbay at ang tigre ay dapat manatili na lamang sa hukay ng hindi na sila namomoroblema”. Pagkatapos nito, nag patuloy lamang sa paglukso ang matalinong kuneho.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Candy Costs P10 Riddle Answer And Explanation