Sagot Sa Tanong na “Ano Ang Lingguwistikong Komunidad?”
LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang isang lingguwistikong komunidad at ang mga halimbawa nito.
Ito ang tawag sa isang lupan o grupo ng mga residente o pangkat na gumagamit ng iisang barayti ng wika. Bukod rito, mayroon ring partikular na mga alituntunin sa pag-gamit at pagbibigay ng kahulugan nito.
Sa ating bansa, marami tayong makikitang lingguwistikong komunidad. Ito ay dahil sa natural na heograpiya ng Pilipinas. Dahil watak-watak ang mga pulo sa ating bansa, nagkakaroon ng sariling kultura at tradisyon ang mga tao sa kani-kanilang mga isla.
Kaya naman, marami ring wika ay diyalekto ang ating maririnig. Bagaman magkakaiba ang mga wika sa ating bansa, napagkakaisa naman ito ng ating pambansang wika na Filipino.
Marami ring pagkakahawig ang mga wika sa Pilipinas dahil sa iisang sentro ng pangwika mula pa sa mga Malayo Polynesian. Isa rin sa mga dahilan ng pagkakaisa o pagkakatulad ng mga wika ay ang pangangalakal at ang kolonisasyon.
Samantala, sa ating modernong panahon, madali na ring ipagkaisa ang mga wika dahil napapalawak na ito gamit ng mass media, makabagong teknolohiya, at ng ating paaralan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
Basahin rin: Kahalagahan Ng Eupemistikong Pahayag – Halimbawa At Iba Pa