Ano Ang Napatunayan Ni Arachne Sa Kompetisyon Nila Ni Athena?

Ano Ang Napatunayan Ni Arachne? (Sagot)

ANO ANG NAPATUNAYAN NI ARACHNE? – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano ang nangyari sa kompetisyon ni Arachne at ni Athena.

Si Arachne ay isang magandang babae na mula sa Greece. Siya ay isang magaling na manghahabi. Sa Ingles ito ay tinatawag na weaver and spinner. Maraming tao ang pumupunta sa Greece para lamang makita ang mga gawa ni Arachne.

Pero, Si Arachne rin ay nagyabang ng kanyang mga talento. Sinabihan niya ang mga tao na mas magaling raw siya kesa kay Athena sa paghahabi. Nang marining ito ni Athena, hinamon niya ito sa isang kompetisyon sa panghahabi.

Ano Ang Napatunayan Ni Arachne Sa Kompetisyon Nila Ni Athena?

Kaya naman, ang Diyos na si Athena at ang mortal na si Arachne ay nag kompetisyon sa kung sino ang may masmagandang gawa. Nanghahabi sila mula araw hanggang gabi bago natapos.

Kinumpara nila ang kanilang mga gawa. Ang gawa ni Athena ay nagpakita ng mga Diyos at Diyosa na gumagawa ng kabutihan para sa mga tao. Pero si Arachne naman ay gumawa ng imahen ng mga Diyos at Diyosa na nalalasing at natutumba. Labis rin itong kinagalit ni Athena.

Pero, alam mismo ni Athena sa kanyang sarili na mas maganda ang gawa ni Arachne. Pero, wala siyang pake dito. Tinutok niya lamang ang kanyang darili kay arachne at naging gagamba ito.

Sa panahong iyon, nalaman ni Arachne na mas magaling talaga siya sa mga Diyos. Ngunit, nalaman niya rin na hindi mo puwedeng pagtawanan ang mga malalakas na Diyos.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.

BASAHIN RIN: Teoryang Eksistensyalismo​ Kahulugan At Halimbawa

Leave a Comment