Bakit May Suliranin Ang Pangunahing Tauhan Ng Epiko? (Sagot)
SULIRANIN NG PANGUNAHING TAUHAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba may suliranin ang pangunahing tauhan ng isang epiko.
Sa lahat ng mga kwento, ang pangunahing tauhan ay dumaraan sa iba’t-ibang pagsubok, lalo na kung ang kwento ay isang epiko. Ito ay isang tulang nag kukwento ng kabayanihan ng pangunahing tauhan.
Binibigyan ng suliranin ang mga pangunahing tauhan upang magkaroon ng pagsubok na kailangan ng pangunahing tauhan na harapin. Kadalasan, ang mga pangunahing tauhan sa mga epiko ay galing sa angkan ng mga diyos o diyosa.
Kapag may problemang hinaharap ang pangunahing tauhan, ito’y nagsisilbing instrumento ng pagbabago. Ito rin ay sumasalamin sa mga pagsubok ng mga mambabasa.
Siguro naman, lahat tayo ay may iba’t-ibang pagsubok. Pero, sa pamamagitan ng mga pangunahing tauhan, ating malalaman na kaya natin itong harapin ng buong luob. Ito rin ang isa sa mga matututunan sa isang epiko.
Ang problemang ito ay nagdudulot ng panibako sa kalooban ng pangunahing tauhan. Maaari siyang maging mas mapagkakumbaba, mas matapang, matalino, at iba pa.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newsfeed.
BASAHIN RIN: Advantages And Disadvantages Of Culture – Examples