BARAYTI NG WIKA: Uri At Mga Halimbawa

Alamin ang dapat mong matutunan tungkol sa BARAYTI NG WIKA

BARAYTI NG WIKA – Tinatalakay sa artikulong ito ang mga halimbawa sa bawat uri na nakabilang sa sinasabing “variety” ng wika.

Nagkakaroon ng “variety” o pagkakaiba dahil sa uri ng lipunan na ating ginagalawan, heograpiya, edukasyon, okupasyon, edad, kasarian, at sa ibang pagkakataon, ang uri ng pangkat etniko na kinabibilangan ng isang tao.

Mayroong walong uri ng barayti ng wika at ito ay ang mga sumusunod: Idyotek, Dayalek, Sosyolek / Sosyalek, Etnolek, Ekolek, Pidgin, Creole, at Register. Narito ang pagpapaliwanag at mga halimbawa ng bawat uri.

barayti ng wika

Idyotek – Ito ay nagtutukoy sa personal na paggamit ng salita ng isang indibidwal. Bawat tao ay may istilo sa pananalita o pagpapahayag sa pamamagitan ng salita.

Halimbawa:
Noli de Castro: “Magandang Gabi Bayan”
Ted Failon: “Hoy Gising”
Mike Enriquez: “Hindi ka namin tatantanan”

Dayalek – Ang uri na ito ay nalilikha ng dahil sa heograpikonog kinaroroonan ng isang pangkat ng tao. Ito ay ginagamit ng mga tao sa isang partikular na rehiyon o lalawigan.

Halimbawa:
Tagalog: “Mahal kita”
Hiligaynon: “Palangga ta ka”
Bikolano: “Namumutan ta ka”

Sosyolek / Sosyalek – Ito ay tumutukoy sa barayti na pansamantala lamang na ginagamit at partikular na grupo lamang ang gumagamit.

Halimbawa:
Pro Bono Serbisyo
Takdang Aralin
Chaka
Astig

Etnolek – Ito ang tawag sa mga wikang gamit ng mga pangkat o grupo ng mga etniko sa bansa.

Halimbawa:
Tohan – tawag sa Diyos ng mga Maranao
Tekaw – nabigla o nagulat sa termino ng mga Maranao
Mohana – Salamat sa Ifugao
Marikit – maganda sa Ifugao

Ekolek – Ito ay tumutukoy sa salita, kataga, o mga pararila na ginagamit ng bawat miyembro ng pamilya sa loob ng bahay.

Halimbawa:
Nanay – mom – inay – nanay – mudra – mamshie
Tatay – dad – itay – tatay – pudra – pappy
Lababo – batalan – hugasan – urungan
bunso – baby – beh
lola – apo – inay – mamu – granny – inang – mommy lola
lolo – ingkong – itay – papu – lo – itang – papa lolo
silid – room – guest room – kuwarto
banyo – palikuran – kubeta – CR

Pidgin – Ito ay tumutukoy sa sa wikang walang pormal na estraktura. Ito ay tinatawag rin minsan na “Taglish” at salitang “barok”.

Halimbawa:
I don’t like nga sabi! (Ayaw ko nga, sabi!)
You’re so funny talaga! (Nakakatawa ka talaga)

Creole – Ito ang tawag sa barayti ng wika na pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa naging personal na wika.

Halimbawa:
Mi nombre – Ang pangalan ko
Yu ting yu wan, a? – Akala mo espesyal ka o ano?

Register – Ito ay grupo ng mga salitang ginagamit sa isang partikular na pangkat o domain at may pagkakaiba ng gamit o kahulang.

Halimbawa:
Bituin
– Sa pelikula o sa showbiz, ito ay nangangahulugan na bida sa isang palabas
– Sa edukasyon, ito ay tumutukoy sa marka na maaring makuha ng mag-aaral
– Sa usaping Agham, ito ay tumutukoy sa “celestial bodies” tulad bituin at araw

Basahin rin: KAHULUGAN NG WIKA, Uri at Katangian

Leave a Comment